Chapter 32: Completed
-WYNNE KHALIL CY-
"Bitawan mo nga 'ko." iritado kong sigaw kay Zero na ngayon ay daragdarag ako papunta sa kwarto ng headquarters. 'Yung kwartong tinulugan ko noon.
"Sabi'ng bitaw eh." muli kong sabi pero hindi naman ako nito pinansin.
"A-ano ba! Hindi mo ba ako bibitawan?" Inis kong binawi ang kamay ko sa kanya pero narinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan at ang pagsusi n'ya nito kaya't andito kami sa loob ng kwarto n'ya.
Ang lakas ng loob n'yang daragin na lang ako mula kusina hanggang dito sa kwarto matapos n'yang hindi sagutin ang tanong ko.
Tapos ngayon, mukhang s'ya pa 'yung galit sa akin.
"What the heck is your problem-"
"Ikaw ang problema ko ngayon Zero." pilit kong pagpapakalma sa sarili kahit gusto ko nang sumabog. "Hindi ko maintindihan kung bakit 'yung simpleng tanong ko kanina ay hindi mo masagot."
"Ikaw ang hindi ko maintindihan Khalil. Why are you acting like that? Ano naman sa iyo kung may sugat ako sa braso, I'm not your concern anymore. Am I right?"
"Hindi ako nagtatanong sayo dahil concern ako. Nagtatanong ako kasi kailangan kong malaman." Hingal kong sabi.
Sinamaan ko s'ya ng tingin nang hilutin n'ya ang sintido n'ya. Mukhang mas stress pa s'ya kaysa sakin.
"You have nothing to know cause I'm not hiding anything. Alam n'yo 'yan."
"Kung wala kang itinatago. Bakit hindi mo sabihin sa akin kung napaano 'yang braso mo at saan galing 'yang sugat mo." Inis kong sabi. Dahil nagpapaligoy ligoy pa s'ya.
Nakita ko ang pagiwas n'ya ng tingin kaya't mas lalo ako'ng nagduda sa mga ipinapakita n'ya sa'kin.
"Tingnan mo. Ni hindi mo nga rin nasagot 'yung tawag namin ni Zumi kanina. Kailangan ka namin kanina. Kumpleto ang Octavians kanina pero ikaw... Asan ka?"
Nakita ko ang pagtungo n'ya kaya't napapikit naman ako ng mariin dahil napagtanto kong nagaaeay na naman kami.
Nahuli ng mata ko ang bahagyang pagangat ng ulo n'ya tsaka ako tiningnan. Napaigtad pa ako nang maramdaman ko ang palad n'ya sa pisngi ko na may gauze.
"Sino'ng gago ang nakadali d'yan sa pisngi mo?" tanong n'ya.
Huminga ako ng malalim bago tabigin 'yung kamay n'ya na nakahawak sa pisngi ko.
"Mukhang hanggang ngayon ay pinagdududahan mo pa rin ako. Hindi ako kalaban Zero... Pero wala na akong magagawa kung 'yun pa rin ang iniisip mo."
Huli kong sinabi bago buksan ang pintuan na kanina lang ay ni-lock n'ya ng susi. At iniwan s'ya sa kwarto nang hindi makapaniwala dahil sa isang higit lang ng siradula ay nabaklas na ang bukasan at naiwan itong sira.
。。。
"Next next week na ang foundation day ng Knights at magiging bukas sa mga outsiders ang school for one week. Paano tayo nito? Siguradong mananamantala ang mga kalaban."
"Hindi tayo pwedeng magpahalata na may nakakaalam na sa pakay nila."
"Huh? Paano 'yan? Eh 'di ba tayo 'yung binigyan nila ng threat? Kaya sure na, na ang target ay tayo."
"Atsaka mukhang iniisip nila na nasa atin ang DICNS. Hindi naman nila tayo bibigyan ng ganong senyas kung hindi nila tayo pinaghihinalaan."
"Kailangan nating manahimik. That's the least we can do."
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...