Chapter 3: Dalandan Real Na Real

395 25 2
                                    

Chapter 3: Dalandan Real Na Real

-WYNNE KHALIL CY-

"Gising naaaaaaaaaa."

"Ano'ng oras na ba?"

"Hindi ako relo Tamara.".

"Tinatanong kita Cy, ginigising gising mo ako."

"5:20." Tipid kong sabi kay Kazuki na nakahilata pa sa kama.

"Bakit ang aga mo magising?" Tanong nya habang nagkakamot ng ulo at nakadapang nagtataklob ng unan sa ulo.

"Nagluto ako. Ayaw ko sa canteen magagahan. Mamaya may magaway na naman don." Nakangiwi kong sbi habang ihinahanda yung plato na pagkakainan namin.

Nakita kong bumangon si Kazuki at nagtiklop ng hinigaan. Sus, para namang labag pa sa loob nya na gumising eh. Hanggang ngayon ay pikit parin ang mata nya habang naglalakad papuntq sa table namin.

"Bakit? Nahihiya ka na ba kumain don?" Tanong ni Kazuki habang mapangasar na nakangiti sakin.

"Dzuh, bat ako mahihiya?"

"Kasi nakipagaway ka kagabi."

"Lol, hindi ako mahihiya. Ang lakas lakas nga ng loob ko na makipagabasag ulo kagabi tapos mahihiya ako ngayon? Wala namang kahiya hiya don."

Nagsimula na kaming kumain at kita ko ang pagkamangha sa mata ni Kasuki habang nakain.

"Wow! Ang sarap ng luto mo!"

"Talaga?"

"Oo! Sobrang sarap, wala naman tayong pagkain sa ref, saan ka kumuha ng iluluto?" Tanong nya habang punong puno ang bibig at nakataas pa ang paa sa upuan.

"Ah? Nakita ko sa basurahan mo, itatapon mo na kasi eh sayang-"

"TAENG YAN KHALIL!"

---

"Oy Kazuki joke lang yon. May dala talagang pagkain dun sa maleta ko. Bagong bili yon."

"Bahala ka! Nagugutom tuloy ako."

"Ang arte mo, samahan mo na lang ako sa room ko dali. Ipagluluto na lang ulit kita mamaya."

"Hindi na bulok?"

"Hindi naman talaga kasi bulok yung kinain mo kanina."

"Pero ang lakas ng loob mong biruin ako grabe! Nanakit yung sikmura ko kanina." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Babawi ako mamaya!"

"Oo na, ayan na room mo." Sabi nya sa'kin habang itinutulak tulak na ako papasok ng classroom.

At bago pa man ako makakawag ay nakaalis na sya.

Napakabusy na tao ni Kazuki. Lalo pa't napagalaman ko na kasama sya sa Student Council.

Dumeretso na ako papasok ng classroom at ini-scan muna ang paligid para makita kung saan ako pwedeng umupo. At nakita ko sa may bandang dulo yung ipuan na bakante kaya alam kong akin yun.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon