Chapter 49: Something With White

195 10 0
                                    

Chapter 49: Something With White

-WYNNE KHALIL CY-

"Anak ng tinapa kinakabahan na naman ako kay Khalila."

Winaksi ko ang mga narinig sa pito at preskong naglakad palapit sa dalawa na ngayon ay mukhang naguusap.

~Flashback~

Grade 5.

"Puti! Pinapatawag ka ni Teacher Y. May ibibigay ata sayo." Hingal na hingal na sigaw ng uhugin kong kaklase.

Liningon ko si Puti at nakita ang pagtayo nito. Habang ako naman ay prenteng nakaupo sa upuan habang nagbabalat ng pinakamamahal kong Dalandan.

"Hoy Raquim." Mahinang tawag ko sa kaklase kong uhugin. "Bakit pinapatawag si Puti?"

Halos mandiri ako nang lumingon ito sa akin at halos manlaglag na ang lumalawit lawit at dumadausdos na kulay berdeng sipon sa nguso n'ya.

"Pahingi munang dalandan." Masungit nitong sabi sa akin na ikinasama ng timpla ng mukha ko.

Pero dahil gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko, labag man sa kalooban ay dumukot ako ng isang dalandan bago maingat na iniabot sa kanya na suang sinunggaban din nito agad.

"Napaka dugyot mo! Magpunas ka nga muna ng uhog mo." Reklamo ko dito bago ito irapan. "Oh ano? Bakit pinapatawag si Puti?" Pambawi ko naman.

Adviser namin iyong si Y at nakakapagtakang may ipinatatawag ito gayong hindi naman masyadong pansin ang presensya ni Puti sa mga mata nito.

"Ewan. Basa pinapatawag." Sagot ni Raquim sa'kin na syang dahilan para batukan ko s'ya at halos magsipagtalsikan ang naghahabaang uhog n'ya.

Putcha kadiri!

"Tangna Raquim, ang dugyot mo kamo!" Reklamo ko dito.

Napabusangot na lang ako at ibinalik ang tingin sa upuan ni Puti pero wala na ito doon.

Halos mapamura ulit ako ng maluting bago limabas ng classroom namin.

Napabuga pa ako ng hininga bago buksan ang butones ng uniform ko.

Naka tshirt naman ako sa loob.

Halos pagtinginan na din ako ng mga grade 6 na nasa hallway.

Hanggang sa mag ring na ang bell. Ibigsabihin ay may klase na.

Hay lintek.

Halos liparin ko na ang daan papuntang faculty room dahil sa bilis kong tumakbo.

"Hay nako cripy put@ naman oh." Inis kong sabi.

Mabuti na lang at nakarating din ako agad dito. Bahagya pa itong bukas kaya marahan akong pumasok.

Mabuti na lang at may harang pa kaya hindi aad deretso desk ni Y.

"S-sir tapos na po y-yung break time babalik n-na po ako sa room-"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon