Chapter 24: Mommy, Daddy

259 16 2
                                    

Chapter 24: Mommy, Daddy

-WYNNE KHALIL CY-

"Baby Trey. Argh, don't make talon talon na. Mommy will make galit galit to you-Oy! PS2 ni tito Tyrone 'yan."

Anak ng dalandan ito'ng anak ni Zhaun. Parang tatanda ako ng maaga.

Hindi ko naman s'ya mahabol dahil inaayos ko pa 'yung bag n'ya na yakap yakap n'ya sa may kotse ko.

Ang ipinagtataka ko lang, ang sabi ni Kosmos sa'kin ay next week pa dadating galing Europe iyo'ng kuya n'ya. Atsaka paano naipasok ni Zhaun ito'ng si Trey sa kotse ko.

Napilitan tuloy ako'ng dalhin nalang sya sa headquarters. Hindi ko din naman kasi maidadaan yung kotse sa harap dahil school days ngayon at bawal ang maglabas pasok ng Knights. Atsaka, malaman laman pa nung guard na may dala ako'ng bata, yari na. Mabuti na nga lang at mukhang may klase pa ang anim kaya't nadala ko si Trey dito sa headquarters.

Oo, yung anak nung pesteng si Zhaun ang kasama ko.

"Mommy! Can I play this pow?" Halos manlaglag naman ang panga ko nang makita'ng bitbit na ng dalawang taong gulang na si Trey ang armored laptop ni Kazuki. Jusko! Lagot ka kay Hapon!

Atsaka talagang may accent pa ang po nya at nagiging 'pow' ito.

"Trey! No, 'yung PSP na lang ang i-play mo." agad ko'ng dinampot 'yung face towel na nasa bag n'yang maliit atsaka dali dali'ng tumakbo papunta sa kanya.

Pinunasan ko ito sa mukha. At para mas madali ko'ng mapunasan ang basang basa n'yang noo ay binuhat ko ito atsaka pinaupo sa hita ko.

"Ito na lang PSP ang i-play mo baby."

"Mommy, daddy Zhaun taught me how to play pow a computer." pagkwento nito sa akin. Naisip ko naman na magliligalig lang s'ya kung hindi ko sasabayan ang trip n'ya.

"Oh, ano'ng plinay nyo ni daddy?"

"Hack, Track and Virus daw pow. I can't read nga the superscript codes kaya numbers na lang pow." inosenteng sabi ni Trey na ikinalaki ng mata ko.

Anak ng tutoy 'tong si Zhaun. Kung ano ano ang itinuturo sa anak! pati ba naman pag-IT ay itinuturo pa.

Sa edad na dalawang taon ay naturuan agad n'ya si Trey ng ganon? Kaya wag ka nang magtataka kung bakit ang kapal na ng salamin nitong bata'ng 'to.

"Tapos po, Daddy Kywgyz naman visited last last week pow and he show me how to made a stick O na big pow tapos mayroon daw nitwoglycerin tapos may ammonium nitwate at nitwocelloluse tapos if you put fire it will-"

"Jusko Lord ano ba namang klase ng katarantaduhan ang itinuturo noong magkapatid na ulagang 'yon sa bata'ng 'to." Taranta kong sabi habang niyayakap si Trey.

Kapag takaga nagkita na kami ni Zhaun ay talaga namang papatayin ko sya. Kung ano ano na ang natututunan ng anak nya. At talaga namang-JUICECOLORED ANG LAPTOP NI KAZUKI NAPAKAILAMAN NA PALA. ANG BILIS NAMAN NITONG TUMAKAS.

"Baby Trey naman. Mommy will make galit galit to you na. Ito'ng PSP na lang oh." sabi ko sabay pilit na hinahabol sya. Sa wakas naman ay nahabol ko na sya.

"Mommy, I want miwk pow. I will sleep na sow you will not be mad na po." biglang lambing naman nito sa akin sabay yakap sa hita ko. At talaga naman ang bata kumikindat kindat pa.

Saan naman nya natutunan 'yon.

Napabuntong hininga ako. Gatas lang pala ang gusto.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon