Chapter 55: War On The Go

159 9 0
                                    

Chapter 55: War On The Go

-WYNNE KHALIL CY-

"Sarap din pala ng dalandan n'yo dito ano?"

"YB Leave her to me-"

"Subukan mo pasasabugin ko ulo nitong si Borromeo." Banta ko sa lalaking papalapit habang nakatutok ang baril sa ulo ni Borromeo.

Hindi talaga 'yan sakin. Sadyang obobs lang yung tauhan ni YB sa ibaba at naisahan ko.

"Pabayaan mo s'ya Copter. She's a visitor so we should pay some respect."

"Tama kang gikwa ka! Nung huli nating pagkikita e sinabunutan mo ako. Sakit sakit ng anit ko non akala mo ba. Nagulantang lahat ng balakubak ko gago ka." Inis kong sabi dito.

Malay mo wala nang natirahan yung mga kuto sa ulo ko dahil natagtag ang mga balakubak kong kaderder. Ew.

Pinagpatuloy ko lang ang pagnguya ko sa dalandan na nasa table habang nakataas pa ang paa sa mesa.

Sarap sarap kumain eh.

"Pero YB, she's been sitting here forever." Sagot ng intribidang si heloCopter.

Pogi pa man din pero mas pogi jowa ko err. Get off.

"Ikaw napakapakielamero mo. Kitang bisita ako dito." Sabay irap ko dito na ikinabuga nito ng hangin.

"I don't mind. Ikuha n'yo pa s'ya ng makakain." Sagot naman ni Borromeo na ikinatuwa ko.

Aba ang manyakol, kala ko naman sakim sa pagkain. Mapagbigay din naman pala.

Agad na tumango ang iba'ng guards at lumabas ng kwarto kung saan kami nag chichikahan ni Borromeo. Ikukuha ata ako ng pagkain.

"Anyways, how have you been?" Tanong nito na ikinangiwi ko.

"Ulyanin ka ba? Tinanong mo na ako n'yang kanina ah." At dahil sa sinabi kong 'yon ay alarmadong lumapit sa akin ang mga tauhan n'ya pero nang ikasa ko 'yung baril ay natigilan sila.

Sinenyasan naman ni Borromeo ang mga tauhan n'ya na manatili sa pwesto nila kanina.

Mga pasaway na tauhan 'to. Sinabi nang stay, lumarga pa din. Mga chosa kayo.

Maya maya lang ay bumukas na ang pintuan na nasa likuran ko at napapikit ako nang maramdaman ang traydor sa likod.

"Tangputs kang heloCopter ka." Bulong ko bago agad na itinulak ang paa sa table dahilan para umusod patalikod ang upuan ko. Naipit s'ya kaya't imbis na sa akin maibalibag ang plato ay nagkadurog durog ito sa table.

At nayari na, dahil nagkagulo na ang mga tauhan.

Agad akong umalis sa upuan at tinadyakan s'ya sa tagiliran.

Narinig ko ang sabay sabay na pagkasa ng baril ng iba pang tauhan na syang nakatutok sa akin.

"Pasaway din 'tong isa mong bata Borromeo. Hindi marunong tumanggap ng bisita. Kasi ako hindi ako natanggap ng bwisit e. Dinadagukan ko agad." Mariin kong sabi habang nakadikit sa noo nito ang baril.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon