Chapter 48: Cafeteria Happenings

194 11 0
                                    

Chapter 48: Cafeteria Happenings

-TYRONE RODRIGUEZ-

Hello guys it's me your handsome and cute chinito vlogger. All the way from Knights, knocking to your hearts. And if you subscribe to my channel, I'll be sending lots of love.

So what's up mga ka-pips! Welcome back ulit sa aking napakagwapong POV. But still hanggang mental chikahan lang muna tayo dahil sa ngayon ay suspended pa rin ang aking precious na labi.

So nice diba.

Anyways, sobrang thankful ako!

Akala ko ay last POV ko na 'yung kanina, mabuti na lang at may awa pa pala 'tong bulok n'yong author at napagbigyan pa ako. So by the way, highway...

Napasimangot na lang ako nang makita si Khalil na nanguya ng dalandan habang bitbit ang trophy at nakataas ang malapad n'yang noong naglalakad nang may glass medal sa dibdib n'yang para namang dibayder ng nanay mong galit.

Charrot lang naman. Mamaya last POV ko na pala 'to kasi siniraan ko yung lead character ng story lanya.

Napatingin naman ako sa relos at nakitang mayroon pa akong limang oras para manatiling nakaglue ang bibig.

Nakakainis! Ang hassle!

"Grabe ka bruha. Akala ko puro kalukahan lang ang pinaggagagawa mo aba'y himala. Natalo mo 'yung singit kanina." Parang shungang sabi ni Kazuki habang manghang-manghang hinihimas ang trophy ni Khalil.

"Nakita mo ba 'yung itsura noong Kimbami na 'yon? Elibs na elibs sa'yo! Nakanganga!" Panggatong naman ni Raven.

"At dahil d'yan magl-lunch na tayo!" Sigaw ng katabi kong napakapangit. Sino pa? Edi si Zumi. Wala na namang ibang pangit dahil gwapo ako. Maganda sila. Edi si Zumi lang. Understood na 'yon.

Pangit naman talaga s'ya eh.

By the ways, let's find ways. Hindi pa rin ako okay dahil wala akong maisip na way para makakain ako. Lalo pa't nagaya na magl-lunch daw kami.

This is so frustrating mga ka-pips. Gusto kong magwala!

Naiimagine ko na ang sarili ko na nakatitig na lang sa kanila havang sila ay sarap na sarap kumain.

*insert Zumi's derp smile while chewing the food.*

"'Kay, leave this one on me. Order what you want. Ako na ang bahala." Conyong sabi ni Zero na halos ikalaglag ng balikat ko.

Man! Libre ni Ze!

Once in a lifetime mo lang maririnig ang salitang libre sa lalaking 'to at kamalas malasan pa dahil hindi ko magagawang kumain! AT DAHIL IYAN SA CHAKANG SI ZUMI!

Pakiusap guys, gusto ko nang mabuksan ang bibig ko please. This is a so called libre men. Paano ko palalagpasin 'to. And plus! Kay Zero pa galing!

Gusto ko nang umiyak. Pero anong magagawa ko. Ni hindi ko nga magawang umungot.

Dismayado man ay sumabay na lang ako ng lakad sa kanila. Ano'ng magagwa ko. Gwapo lang ako.

Limang oras pa ang kailangan kong hintayin para matanggal ang dikit sa bibig ko. Once naman talaga na matanggal ang nasa bibig ko!

Talaga namang oo! Tatamaan ng magaling sa akin 'yang si Zumi.

So mga ka-pips. Deretso kami sa usual spot namin sa cafeteria at umupo.

"Akin ito!"

"Parang gusto ko magpasta. Oo masarap mag pasta ngayon."

"Pede whole set meal akin pre?"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon