Chapter 34: Getting Ready

180 13 0
                                    

Chapter 34: Getting Ready

-WYNNE KHALIL CY-

"Ano'ng ginawa mo sa buhok mo Zumi?"

"Pwede ka namang magshort hair ah, bakit boycut pa?"

"Atsaka nagkulay ka pa ng violet? Ano ka sisiw-Aray joke lang uwak."

"So ayun, bakit ka nga nagpagupit?"

"Babawasan ko lang sana 'yung buhok ko kasi sobra nang haba..." panimula ni Zumi at taimtim naman kaming nakikinig. "Kaso biglang may sumigaw sa la ng CR kaya nagulat ako tapo sosbrang iksi na nung pagkakagupit ko." dismayado n'yang sabi.

"Sino nanggulat sayo?" interesadong tanong ni Raven na nasa gilid ko.

Kumpleto na kami at pareparehas na nakaupo sa may sahig na may latag na comforter.

"Si Tyrone." Halos nanggagalaiti n'yang sabi. "Wala tuloy akong choice kundi putulin na lang tapos ipantay kasi lagpas tenga din yung nagupit ko. Tsaka kinulayan ko kasi matagal na dapat akong magkukulay."

Bigla naman akong napanguso.

Ang tagal ko na kasing gustong magpakulay ng buhok kaso naman ay hindi ako pinapayagan ni Wayne at Kareen. Pero wait lang ah. Namiss ko si Wayne at Kareen.

Kung umuwi muna kaya ako bukas bago pumunta sa mansion ng mga Lim. Siguro naman ay sundo kami ng Van bukas.

"Ang dayaaaaa." pabulong kong sabi. Hays! Pag ako takaga nakapagpakulay.

Wala na ngang nagkakacrush sa'kin wala pang pangpakulay ng buhok. So damn malas naman.

"Ano'ng madaya?" Takang tanong ni Zumi sa'kin.

"Magpapakulay din ako ng buhok. Tandaan n'yo 'yan." Sabi ko na para bang isa akong super villain na damang dama pa ang bawat lines. Artista ako eh bakit ba.

Liningon ko silang lahat pero natigil ang mata ko sa isang aso na naiwang nakatingin sa'kin.

Pinangunutan ko ito ng noo bago pagkatitigan din. Tirigan ba ang gusto n'ya? Eh sa sira ulo pa n'ya napiling tumitig edi labanan kami.

Rinig ko na nagkekwentuhan sila pero nanatili lang ang mata ko sa asong kaharap ko. Sabi sa inyo, matalinong lubos ang alaga ng Octavians eh. Madaming talent ang aso namin kaya kabahan na kayo.

Hindi ko alam kung gaano na katagal na nagtititigan lang kami pero sinubukan kong kindatan s'ya at nanlaki naman ang mata n'ya sabay iwas ng tingin.

"Uy... Nagkakadevelopan na ba kayo?" Rinig kong pangasar na tanong ni Tyrone kaya't nginitian ko muna ito ng matamis bago damputin ang dalandan ko at walang awang piniyangkot sa harap nika na s'yang ikinangatal n'ya ng todo at ikinakaba ng dibdib.

。。。

"It-text ko yung address ng bahay namin. Daanan n'yo na lang ako."

"Ano ba naman 'yan. Akala ko magkakasama tayong pupunta don."

"Sus, para namang uuwi lang ako."

"Oo nga, akala mo naman 'di na magkikita."

"Manahimik ka nga bago ko pa isalaksak 'tong ballpen sa baga mo." Nanggagalaiting saad ni Kazuki kay Cade bago bumaling sakin ng tingin. "Maya na lang ah." Sabi n'ya sa'kin bago ako pitikin sa noo.

Bargas talaga. Wala manlang beso beso, pitik agad? Ang haras naman nito magmahal.

At sa huling pagkakataon ay kumayaw na muna ako sa kanila bago lumabas ng school gate.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon