Chapter 17: An Explosion

243 18 0
                                    

Chapter 17: An Exposion

-WYNNE KHALIL CY-

"Hoy, hindi ka pwedeng makipagusap sa kahit na sino dito. Mamaya-"

"Hindi ko naman kinausap ah" Nakanguso kong bulong kay Kazuki.

Hindi ko naman kasi talaga kinausap yung lalaki eh

Bigla na nga lang sya nawala.

Hindi din naman ako nagsorry sa kanya.

"Pero feeling ko kilala ko sya." bulong ko kaya't parehas na lumingon si Kazuki at Raven sa'kin.

"Tama na 'yan. Tara na pumasok sa loob." Saway naman ni Zero.

Matapos kong makabungo yung lalaki kanina. Dumating na agad si Ze.

Para ngang bad mood sya e. Sus, kailan ba hindi nabad mood yon. Lagi namang bad mood 'yun eh.

Nasa may parang counter kami papasok ng arena at may parang pass don kung saan may machine na nagiiscan sa mga tattoo namin.

Kada school representatives ay may kanya nyang design ng tattoo. Nagkataon naman na barcode yung samin.

Dapat siguro ay hindi Octavians ang pangalan namin. Dapat siguro, Barcode slash Paninda Warriorz ang pangalan namin.

Nauna si Zero habang sunod sunod naman kami.

At nang ako na ang may time para mag-scan ay umilaw ang kulay asul na machine na parang scanner at may lumabas sa monitor.

Codename: LILAC

School: Legion Knights Academy

Team: Octavians

Team rank: Rank 3

Phantom 15 rank: Rank 9

Power 10 rank: none

Schedule: 2nd solo rank battle for tonights duel.

B

igla naman akong namangha sa nakita ko. Ibigsabihin, nasa barcode pala lahat ng informations ng isang player.

Maliban na lang sa mga personal and private infos.

Ang cool naman ng mga machine nila woah.

Ngayon ko lang naencounter yung mga ganon klase ng machine. Alam mo na. Galing ako'ng bundok eh.

Sumunod na ako sa kanila sa paglalakad at sabay sabay kaming nagtungo sa isang upuan na parang sa arena.

So ito na pala ang ground Zero?

Para syang arena grounds na napakalawak at napakalaki.

"Wala masyadong Team Duel ngayon. Puro mga solo battle lang." bulong ni Casper na nasa gilid ko.

Bigla akong pinagsiklaban ng kaba.

Ang daming tao.

"Puro mga estudyente yan?" Nakita ko naman ang marahang pagtango ni Cade sa tanong ko.

Yung isang seat fon ay para lang sa'min.

Amo'ng klaseng laro ba itong nasalihan ko.

Kung rarampa lang sana kami ay ayos naman sakin pero kung ganito naman ang lagay. Parang ayaw ko na.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon