Chapter 46: Archer is Me

196 11 0
                                    

Chapter 46: Archer is Me

-WYNNE KHALIL CY-

"Bakit mukhang aso si Zero? Anong nangyari?" -Cade.

"Why? Is something wrong with my face?" -Zero.

"Ulaga to si Ty, hindi na bago 'yung mukhang aso si Ze. Aso na talaga 'yan sabi ni Khalil diba-ARAY! IKAW BABAE KA ANG BIGAT NG KAMAY MO!" -Tyrone

"Bibig mo eh. Pasmado." -Zumi.

"Hindi. Ibig kong sabihin bakit nakangiti ka? Anong meron?" Takang tanong ni Tyrone habang nakahawak sa ulo na binatukan ni Zumi.

Nahuli mong timawa ka. Panay kasi kaulagaan.

"Kinikilig 'yan." pasiring kong sabi habang nakasimangot. Kanina pa kasi sya nakangiti.

Parang tae tae lang. Hindi na tumigil kakangiti. Hindi ba s'ya nangangalay. I mean, kinikilig din naman ako pero. Er konting pabebe naman Ezekiel Zero hindi 'yang bulgar na bulgar kang kiligin. Nakakaturn off. I-break kita e. Charrot.

"Aha! Alam ko na kung bakit kinikilig si Ze!" tuwang tywang sabi ni Cade na may pagtayo la sa upuan at anytime ay mananabong na lang.

Napairap tuloy ako, sabay kuha ng orange juice nasa lamesa. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at napagdesisyunan namin na mag meryenda muna saglit.

Napagod din kaya ako kakacheer sa aso'ng 'to.

Kaso, sa kasarapan ng paglinamnam ko sa paburito kong orange juice...

"Kinikilig 'yan si Ze kasi may taga ibang school sya'ng nakita na naka short tapos kita singit-"

"SPLAAAAAAAAAASSSSSHHHH!"

"Oh shit."

"Napala mo."

"Kuha kayo tissue."

"Bumbero ka Khalil? Buga pa."

Napatitig ako kay Cade na gulat na gulat dahil sa naibuga kong isang bungangang juice na saktong sakto naman talaga sa mukha n'ya.

At naalala ang unang araw ng pagtapak ko sa Knights. Si Cade din pala yung nabugahan ko ng frappe dahil ang ingay ingay nilang magshooting ni Tyrone sa cafeteria kaya nakisali ako. So anyways..

Dahan dahan akong lumingon sa katabi kong Askal na ngayon ay parang tuta na nanlalaki ang mata sabay iling ng iling.

"He's just spouting nonsense. Please don't listen." Taranta nyang sabi.

"Ano'ng nonsense e mukha type mo nga-"

"Cade I don't want you to swim in Orange juice so shut your dirty mouth. I'm begging you, lizard."

"Bitawan mo akong Aso ka." banta ko sa kan'ya na mahigpit na nakayakap sa'kin. Alam ata n'ya na kanina ko pa gustong itimbawang sa pagmumukha ni Cade ang juice na inom inom ko lang kanina kaya pinigilan na ako nito.

"It's not true. I swear. I'm not looking at anyone. I promise." Kunot noong sabi ni Zero sa akin habang hindi pa rin nakawala.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon