Chapter 5: Student Council Headquarters
-WYNNE KHALIL CY-
"Wow ang sarap shems! Ang galing mo pala magluto, sana ikaw na lang nagluluto sa cafeteria para araw araw masarap yung pagkain."
"Ayaw ko nga maging taga luto, estudyante ako dito."
"Ang sabi ko sana."
"Oo nga sabi mo nga sana."
"Oo nga ano bang sabi ko?"
"Sabi mo sana."
"Oo nga sabi ko nga sana. Ano bang pinagsasabi mo!"
"Ang sabi ko sinabi mo sana kasi puro ka naman sinabi nang sinabi dyan. Hay nako! Kumain ka na nga lang ang daldal mo." Bulyaw ko kay Zumi na panay ang ngawa habang kumakain nung niluto ko.
Kanina pa kami kain nang kain ni Zumi dito at panay na labg ang panonood namin ng movie. Siguro nga ay 7 na at bukas na ang cafeteria ngayong oras para sa dinner pero nakakapagtakang wala pa si Kazuki.
"Bat kaya wala pa yung kapatid mo?" Tanong ko kay Zumi na sarap na sarap sa pagkaing niluto ko.
Matapos nung engkwentro sa mga unggoy kanina ay nakalimutan na akong purihin nitong si Zumi dahil mukhang takam na takam na sya sa niluto ko.
"Nagtext sakin. Di daw matutulog dito, baka sa headquarters ng mga SC yon matutulog."
"Kelan pa nagtext sayo?"
"Kanina pa, habang nagluluto ka."
"Eh ba't hindi mo sinabi kaagad sa'kin!" Bulyaw ko. Nakakainis naman talaga 'tong si Zumi oh.
"Ang sarap kasi nung niluto mo, ayun nakalimutan ko tuloy sabihin sayo." Sabi nya habang derederetsong sumubo ng pagkain.
Napasimangot naman ako.
Bat naman kaya hindi uuwi yung si Kazuki. Baka mamaya pinagpaplanuhan na pala nila kung pano nila ako paparusahan o paano nila ako tutugisin. Edi uunahan ko na sila.
Sa pagiisip ko ay itinagilid ko ang ulo sabay taas ng paa dahil mas komportableng kumain nang nanmkataas ang paa.
"Baka kaya tayo inatake ng mga ruler of the monkeys kanina kasi nagpaplano na ang buong Student Council na sugpuin ako."
"Oo nga, maghanda ka na."
"Tss. Bilisan mo na kumain dyan, mamaya maabutan ka pa ni ate Mara dito."
"Grabe! Pinapalayas mo na agad ako eh 10 pa naman ang curfew."
"Ay 10 pa ba?"
"Oo! Ako na magliligpit! Basta akin na lahat ng niluto mo ah!"
"Grabe..."
。。。
"Oy maaga ka ah."
"Hindi ako maaga, ako si Khalil."
"Oo nga ano bang sabi ko?"
"Sabi mo maaga ako."
"Oo nga. Ano ba dapat."
"Dapat Khalil. Hindi naman Maaga ang pangalan ko e." Kita ko ang pagsapo ni Zumi sa noo nya.
Ewan ko ba sa babaeng to kung bakit ako tinatawag na Maaga eh alam naman nyang Khalil ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...