Chapter 64: Caring Si Buang
-KAZUMI HIRUKAWA TAMARA-
"~I wanna be me, me, me."
Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
Matapos naming maglunch kanina ay nahilo na ako. Ayun 'yung mga bruha. Kasama ang mga boyfriend nila, o di kaya manliligaw.
Habang ako, hindi man lang makapagsight seeing ng gwapo sa labas dahil masama ang pakiramdam ko.
Kung minamalas nga naman kasi e. Masyado ata akong nainitan kanina.
Aircon kasi sa van tapos bigla akong nainitan. Hindi ko tuloy kinaya.
Ilang oras na ata akong makahiga lang sa kama at naghihintay na may gwapong dumating-
*TOK! TOK! TOK!*
"Hirukawa?"
Napapikit ako ng mariin dahil mukhang kilala ko na 'kung sino 'yon.
"Oh?" Sagot ko dito.
"Pasok na ako ah." Sabi naman nito dahilan para mapaayos ako ng higa.
Jusko. Biglaan.
Sa gulat ko tuloy ay wala sa sariling napahawak ako sa ulo at kunwa'y nakatakip ang mukha gamit ng kamay.
"Ayos ka lang ba?"
Rinig kong tanong nito kaya't pasimple akong sumilip sa kanya sa maliit na butas sa mga daliri ko
Kaso naapiwas din agad ako nang makita ito'ng nakatingin sa'kin!
Hindi ko alam pero nahilo ata ako dahil sa nangyari kaya lalo ako'ng napahawak sa ulo.
"Oh? Ano'ng nangyayari? May masakit ba?" Tanong nito sa akin na agad ko ding ikinailing para sabihin sa kanya na wala lang 'yon. "Sure ka?"
"O-oo." Sagot ko din agad. "Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko dito.
Baka mamaya-
"Hindi ako aalis. Wala kasing magbabantay sayo dito."
"Asan sila Zero?"
"Alam mo na kung nasaan."
"Eh 'yung mga pinsan ni Zero. Sila Uno, ayaw mo sumama sa kanila?" Tanong ko dito at bahagya nang ibinababa ang kamay ko na nakaharangsa mukha.
Pero syemprw bahagya pa akong tumagilid para kahit papaano ay hindi n'ya kita ang mukha ko.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko nahihiya ako sa itsura ko ngayon.
"May sariling gala 'yung magpipinsan. Hayaan mo na. Dito na lang ako. Sasamahan na lang kita." Sabi nito.
Napapikit pa ako. Jusmiyo. Ano namang gagawin nitong ulikbang 'to dito.
Papanoorin ako? Babantayan ako?
"N-nga pala.." Paglilihis ko. "Kamusta na kayo ni ate Tyrane." Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...