Chapter 51: It Hurts You Know
-WYNNE KHALIL CY-
"I-ikaw si Raquim?"
"Yup."
"Ikaw si Puti."
"Yup sya nga."
"Paano nangyari?"
"It just happend." Sagot ni Raquim na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi.
Kausap at kaharap ko sila ngayon habang nasa may bench na nasa field. Habang ang mga bugok naman ay nasa malawak na damuhan ng school at nilalaro ang anak nilang dalawa at si Trey na binubugbog lang ulit si Tyrone dahil pangit daw ito.
Sinabi naman sa akin ni Zero na mukhang kailangan ko ngang kausapin itong dalawa dahil matagal nang panahon nung huli ko silang nakasama.
Last time na nakita ko s'ya ay halos lumawit na ang uhog n'ya sa ilong. Habang ngayon naman ay hindi mo na sya makikilala dahil masasabi mong nagbago ang itsura nito.
Hindi man kasing puti ni Aso ay namuti din ito hindi katulad dati na napakanognog n'ya. Yung buhok din n'ya na latitik sa pawis noon ay naging maayos na at mukhang model s'ya ng shampoo. Ang dating matangos n'yang ilong ay matangos pa rin naman ngayon ang kaibahan nga lang ay wala nang uhog.
"Ngina mo Raquim hindi kita nakilala." Pagmumura ko dito na ikinahagalpak n'ya ng tawa.
"Dumi pa rin ng bibig mo." Halos sumabog ito sa katatawa at may pahampas hampas pa sa katabi n'yang si Puti na hindi nagsasalita.
Natakot ata sakin kanina.
"Hoy." Tawag ko kay Puti na lumingon naman at parang tanganv itinururo ang sarili na par bang tinatanong kung sya ba ang tinatawag ko. "Alangan naman ako aba'y oo ikaw." Mataray kong sabi.
Nakita ko ang kagat n'ya sa labi na tila ba kinakabahan dahil sa pagtawag ko.
Tiningnan ko ang anak nito na nakatago sa likod ni Trey habang hawak ang laylayan nito at hinharangan mula sa mga ugok.
"Ang ganda ng anak mo. Kasing puti mo. Ano'ng pangalan?" Tanong ko na ikinaangat nya ng tingin sa'kin.
"Wynnea Reinbami." Mahina n'yang sabi na ikinalingon ko dito.
"Wynnea? Parehas kami? Wala lang A yung akin sa dulo." Puna ko.
Halos hindi pa rin maabsorb ng utak ko ang nakikita ko ngayon dahil hindi ko aakalain na sila pala nung uhuging si Raquim ang magkakatuluyan.
"Hoy Puti. Ako ninang n'yang anak n'yo ah? Kapangalan ko eh tapos hindi ako yung ninang. Wag madaya." Sabi ko at minasid ang pamangkin ko at ang anak nito na magkasamang naglalaro.
"Malaki bigay ha." Tatawa tawang sabi ng sibang si Uhog.
"Dalandan muna."
"Kahit kailan talaga."
"Para dalandan lang eh."
"Oo na. Adik talaga." Ngiwing sabi ni Raquim.
Bigla tuloy akong napangiti. Dalandan din yun aber.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...