Chapter 8: Ano'ng Meron
-WYNNE KHALIL CY-
"Khalil ang walang kwenta nung laban nyo." Natatawang sabi ni Kazuki.
"Saan galing yung ponkan mo?" Tatawa tawang gatong na tanong ni Raven habang nakataas ang paa sa lamesa ng headquarters.
"Tanong mo dyan sa kapatid ni hapon. Seryoso kamo, ang walang kwanta nung laban. Hindi ko sya natalo dahil sa suntok tapos malalaman ko nakaapak pala sya ng ponkan na galing sa bulsa ng blazer ko." Nakanguso kong sagot habang tinatapik tapik ang paa ko sa sahig.
Sayang din yung dalandan dzuh.
"Ano ka ba, naka-Rank 9 ka nga ng walang kahirap hirap." Sabi ni Kazuki na lalo kong ikinanguso.
Pakiramdam ko kasi ay napakawalang kwenta nung laban namin kung natalo ko sya dahil aksidenteng nalaglag yung ponkan ma ibinigay ni Zumi sa'kin.
Ang malas naman. Ang malas din nung ponkan syempre, hindi manlang sya nakadaan sa tyan ko. Mahaba habang journey inside my body din yon kung nagkataon.
Nauna kaming lumabas ng training room at dumeretso sa sala ng headquarters dahil sobra ako'ng naaasar.
Tumingin ako sa bintana. Bagamat sarado ay kita mo naman na medyo nagdidilim na.
Nagdilim at naggabi na ng walang nangyaring maganda.
"Pano ba yan. Magc-celebrate daw sabi ng dean." Pagpapaeimig ni Raven.
"Magpapalit lang ako ng damit. Gabi na. Amoy anghit na kayo." Sabi ko.
"Oy sama na ako." Sabi naman ni Kazuki na tinapikang braso ko sabay kaway kay Raven at lumabas na ng headquarters.
Wala nang estudyante ang paggala gala ng ganitong oras sa school presmises dahil paniguradong nasa rokn o di kaya'y nasa cafeteria na sila para maghapunan.
Sana naman ay hindi kami maabutan ng kapatid nito'ng si Zumi.
Tiningnan ko si Kazuki na wala na masyado'ng galos. Nilagyan nya kasi ng concealer para hindi gaanong halata yung mga pasa nya sa mukha.
"Ponkan." Tatawa tawang sabi ni Kazuki kaya't sinamaan ko 'to ng tingin.
Hanggang sa makarating kami ng dorm ay pauli ulit n'yang binabanggit 'yon na tila ba nangaasar. Eh sa naaasar ako.
First time ko'ng makipagbasag ulo nang hindi manlang ako na challenge.
Sumakay kami ng elevator nang magkasama. Pero hindi katulad ni Zumi, hindi naman inaangkla nito'ng si Kazuki ang kamay n'ya sa'kin.
Ganon na lang ang gulat namin ni Kazuki nang makita si Zumi na nasa labas ng pintuan ng dorm namin.
"Oh? Ginagawa mo d'yan?"
"Oy, san kayo nagpunta? Tagal nyo." Sabi ni Zumi. Mukhang alam ko na kung bakit andito 'to.
"Makikikain ka ano?" Naka-cross arms kong sabi sa kanya na ikinangiti nya ng dahan dahan sabay peace.
"Dali na."
"Wala na kami'ng grocery." Sabi naman ni Kazuki sa kapatid na ikinanguso nito.
"Sa cafe ka na kumain muna. Next week, kapag nakapag-grocery na. Dito ka ulit." Pangungumbinsi ko sa kanya na ikinanguso nya.
"Sige na nga." Sagot nya. "Hindi ba kayo sa cafe kakain?" Tanong nya.
Naramdamn ko yung pagpitik ni Kazuki sa palad ko na nasa likod ng palda.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...