Chapter 45: Yes Yes Yes

169 12 0
                                    

Chapter 45: Yes Yes Yes

-WYNNE KHALIL CY-

"Naglalaro ba talaga si Ze?"

"Malay ko d'yan. Hindi ko naman 'yan nakitang humawak ng bola e."

"Parang mas nakakatakot pa e ano? Baka mamaya mas matambakan 'yung Knights."

"Ano bang nakain n'yan ni Ze?"

"Oo nga, biglang nagpresinta."

"Tapos may pagbanat pa kay Khalil. Di ko alam kung kikiligin ba ako o mag c-cringe. Urgh!"

Napahawak ako sa baba dahil sa pagiisip.

Nakakabugnot si Zero. Hindi manlang ako pinagsalita at bigla na lang lumayas.

Hindi ko alam kung nasaan na ba sya ngayon-

"Aaaaaay! Fafa Ezi! Ang gwapooooo!"

"Potchek! Si Pres lalaro! ang gwpao nya sa jersey n'ya! KYAAAAAH!

"AKIN KA NA LANG PAPI ZEROOOOOO!"

"Oh! Khalil! Easy!"

"Bwisit eh!" Inis kong sigaw sabay tingin ng masama sa mga Pokémon na nakaaway namin kanina.

Kanina si Hunt tapos ngayon si Aso!

Napairap na lang ako bago ibalik ang tingin kay Aso na naglalakad papunta sa bench ng mga taga Knights.

Argh! 'Yan ang hirap kapag gwapo ang nagugustuhan mo. Dami mong kaagaw!

Pero in fairness ah. Ang gwapo ni Aso kapag nakasleeveless na jersey. Bet na bet ko dai.

Lim
14

Napatikhim naman ako bago lumingon sa committee ng laro na mukhang nagulat pa sa pagdating ni Aso.

"Wow. I didn't expect to see Mr. Lim here inside the court." banggit ng announcer na mayabang na hindi naman pinansin ni Aso dahil abala ito sa pagwawarm up sa bench.

Parang shunga lang! Feeling sikat! Feeling artista. FYI, sikat ka lang. Pero kung hindi ako ang gusto mo edi walang kwenta din yang kasikatan mo. Err ano konek.

"In exchange for Magnaye. With jersey number 14, I-welcome si Lim!" at sa sinabing 'yon ng announcer ay halos magiba na ang gym.

Napapikit na lang ako. Pasikat talaga 'tong tokwang 'to.

Tapos lumingon pa talaga sa akin! Huh! Inirapan ko nga. Ano'ng akala n'ya sa'kin? Marupok?

Kanino n'ya nalaman bwisit.

So ayun, by the way highway, tamang yabang lang s'ya sa gitna ng court. Pag naman talaga hindi s'yq nakashoot at natalo ang Knights dahil sa kahambugan n'ya. Walang sagutang magaganap. Single yan for life.

。。。

Napahinga na lang ako ng malalim bago s'ya irapan.

"Tanga sabi ko i-shoot mo na kasi. E ano'ng ginawa mo. Alam mo namang bakaw 'yung isa n'yong kakampi tapos ibinigay-"

"You've been blaming me for almost a hundred times. Wala ka na bang magandang sasabihin?"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon