Chapter 44: Foundation Day

197 14 4
                                    

Chapter 44: Foundation Day

-WYNNE KHALIL CY-

"Dalandan gumising ka na."

"Five minutes pa..."

"Eh! Gising na kasi!"

"Ayaw ko pa sabi..."

"Foundation day na Khalila!"

"Ang daya mo Khalil. Sabi mo maaga ka ngayon."

"Oo na ito na! Babangon na! Ang ingay nyo! Ang ingay ingay nyo! Sobrang ingay n'yo!" Reklamo ko sa kanila dahil sa ang ingay ingay talaga nila.

Napahawak pa ako sa ulo ko dahil matagal pa bago ako makapag-adjust sa liwanag. Ikaw ba namang tutukan ng flashlight sa mukha.

Napakamot ako sa ulo.

Matapos na mai-announce na nanalo kami ay umuwi din kami agad. Kaso hindi ko na masyadong maalala ang nangyari dahil nananakit na ang ulo ko. Dala siguro ng pagod na ikinataka ko dahil hindi naman ako ganon.

Hindi naman ako madaling mapagod.

Katwiran naman ng mga bruha at tuko na halos ubusin ko daw ang mga players kagabi kaya wag na daw akong magtaka kung bakit napagod ako.

Pumasok na lang ako sa CR at naligo.

5:30 pa lang pala, ginising na agad ako ng tatlo. Excited masyado sa foundation day e tatlong araw naman 'to.

Natapos na ang seremonya at pagebak ko sa CR at dumeretso din ako sa may closet para maghanap ng damit.

"Ang aga n'yo manggising." Nakasimangot kong reklamo.

"Normal lang 'yan bruha. Foundation day ngayon. Kung late ka magigising ano na lang aabutan mo?" Nakasimangot na tugon ni Raven sa akin.

Habang nagtutuyo ako ng buhok ay may inilabas na walong kahon na maninipis si Zumi na nakaupo sa kama ko.

"Oy lipstick!" Tuwang tuwang sigaw ko.

Aaaahh. Peburit!

Tiningnan ko yung mga shades at nanggigil ako lalo.

Kahit 'yung dalawa, tuwang tuwa din.

"Ang ganda ng kulay ah." Ngingiti ngiting sabi ni Kazuki sabay hampas sa kapatid na naka make face.

Ichecheck ko la sana yung isang maliit don kaso ay dinampot naman agad ni Zumi 'yon.

"Anyan?" curious kong tanong.

"Lip balm 'yon. Para don sa apat na bugok." Sabi ni Zumi na ikinatango tango ko.

"Saan galing 'to?" -Raven

"Ako gumawa n'yan. Amuyin n'yo dali." at dahil sa sinabing 'yon ni Zumi ay binuksan ko na agad ang maliit nkahon at halos madapa kaming tatlo nang sabay sabay na magsitakbuhan sa salamin para i-try yung binigay ni Zumi.

"Ay taray! Lasang pepsi!" Tuwang tuwang sabi ni Kazuki.

"Bet ko 'to Zumi. HAHAHAHA lasang kape." gigil na sigaw ni Raven tapos ako naman halos magwala na nang mapagalamang lasang ponkan yung akin.

Betness na betness!

Pak na pak.

。。。

"Ayan kasi! Ang bagal bagal ni Khalil kanina. Wala na tuloy tayong uupuan." Simangot na reklamo ni Raven.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon