Chapter 52: Enemies Closer
-TYRONE RODRIGUEZ-
"Ang tapang tapang mong damuho ka. Ano? Bakit? Kaya mo nang mabuhay magisa? Hindi mo na kailangan ng tulong ng iba? Ah, sabagay. Lakas mo ngang magmura eh. Lakas mo din manumbat. Bakit? Nakakayaman ba ang magmura? Ha?"
"..."
"Sumagot ka!"
"H-hindi."
"Kaya mo nang mabuhay magisa?"
"H-hindi."
"Hindi?!" Bigla naman akong napaatras nang sumigaw ito bigla. Nakakagulat naman. Tangna nakakatakot pa. "Hindi? Sure ka? Eh bakit sabi mo kanina hindi mo kailangan ng iba?"
Halos hindi na ako makahinga dahil sa tingin nya sa akin. But anyways kailangan natin ng intro kahit anong mangyari.
So hello guys it's me your handsome and cute chinito vlogger. All the way from Knights, knocking to your hearts. And if you subscribe to my channel, I'll be sending lots of love.
Pero by the way highway hindi pa rin maganda ang kinalalagyan ko ngayon. Isipin mo nasa loob kami ng kotse ni Hirukawa at sinisermunan n'ya ako.
Nakataas ang kilay, naka cross arm at kahit maiksi ang buhok nito at nagmumukha syang lalaki pag nakatalikod ay mababakas mo pa rin ang pagkamaldita nya.
Tumungo ako bago kutkutin ang daliri. Sya ang nasa drivers seat habang ako naman ang nasa tabi. Tila nabaliktad ata ang sitwasyon at natutop ako dahil sa mga sinabi nya kanina.
"Hindi na mauulit. Promise." Mahina kong sabi.
Hindi ko alam kung naapakan ba ang pride ko dahil nagdrive kami pabalik ng bahay at pinagsorry nya ako kay ate na hindi naman nagsasalita.
Medyo nakakalalaki pero anong magagawa ko tangna natakot ako sa sigaw nya kanina. Tapos sinuntok pa ako magkabila.
"Uuwi na tayo." Deretso nitong sabi at nagmaneho na ng kotse. Ehem kotse ko. Pabalik ng Knights.
-WYNNE KHALIL CY-
"Bakit late na kayong nakauwi ni Ty kagabi?" Puna ni Kazuki sa kapatid nya.
Kagigising lang namin at nasa kwarto na naman namin ni Kazuki ang dalawang bruha. Syempre nanggugulo aber.
"Wala. Nagtalo pa kasi kami."
"Kailan ba hindi?" Natawang asik ni Raven dito.
"Oh, eh anong pinagtalunan nyo?" Tanong ko habang nagsusuot ng rubber shoes. Pwede namang mgcivilian kaya havey na. Chosa nito ni Pareng Emman kung bawal pa.
Nakita ko ang pagsandal ni Sumi sa headboard bago magsalita.
"Kung ano mas bobo. Yung ipis ba o yung butiki." Sagot nya na ikinakunot ng noo ko.
"Alam mo kung sino yung bobo?" Tanong ko na ikinalingon nilang tatlo sa akin. "Edi kayong dalawa. Sukat pagtalunan nyo pa kung sino sa ipis at butiki ang bobo e parehas naman kayo." At dahil sa sinabi ko ay may lumipad ma magazine sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...