Chapter 2: Encounter With Dean

432 23 1
                                    

Chapter 2: Encounter With Dean

-WYNNE KHALIL CY-

"TINGNAN NATIN NGAYON KUNG SINO ANG MATAPANG!"

"BAKIT AKALA MO BA HINDI AKO PAPALAG?!"

"SA PAYAT MONG YAN PAPALAGAN KITA!"

"DUWAG KA LANG!"

"MAS DUWAG KA!"

"Tingnan mo, hindi magsusuntukan yang dalawang yan dito." Rinig kong bulong ni Kazuki habang nakain.

Nilibre na nya ako at kanina pa kami may naririnig na pagaaway at sigawan sa may bandang dulo ng cafeteria.

Nakakairita nga kasi kala mo naman kung sinong nga nakalunok ng amplifier dahil sa lakas ng mga boses nila.

"Mayabang lang sila. Eto watch me." Tapos tinaas baba ko yung kilay ko.

"Oy Khalil san ka pupunta?! Wag ka na pumunta don!" Sigaw ni Kazuki.

Naglakad ako papunta dun sa pwesto nila at ni isa sa nga estudyante ang walang nakapalibot dito dahil mukhang natatakot sila na madamay pa sa gulo ng dalawabg butiking to.

Nang makalapit ako ay nakita ko ang tingin ng dalawa sa'kin.

"Ang iingay nyo." Sabi ko habang kakamot kamot sa ulo. Nilantakan ko naman yung frappe na bigay sa'kin ni Kazuki na kanina ko pa hawak papunta dito.

"Gusto mo bang madamay?" Tanong ni Boy Butiki 1.

"Oo, para may thrill."

"Ang yabang mo, babae ka lang naman."

"So feeling mo si Cardo ka na non? Dzuh, babae nga ako, eh bakla ka naman. Edi wala ka paring laban." Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid.

Bakit kaya hindi to inaawat ng mga council. Siguro ay kapag ako na ang nakipagrambulan ay hindi rin nila ako pipigilan.

Mukhang masaya to ah.

"Ang lakas naman ng loob mo!"

"Sa tingin ko naman ay hindi ka pamilyar kaya baka isa ka sa mga baguhan dito sa school."

"Ano'ng gagawin ko?" Tanong ko sabay kutkot ng kuko ko.

"Umalis ka na lang. Kung ayaw mong madamay."

"Pano pag gusto kong madamay." Sabay higop ko ulit ng frappe at nang makita ko na kumuyom ang kamo ni boy butiki 2 at umamba ng suntok ay ibinuga ko sa kanya yung frappe na nasa bibig ko at at saka sya tinadyakan sa tuhod.

Habang yung isa naman ay mukhang gusto akong puruhan sa likod dahil nakatalikod ako sa kanya kaya dumampot ako ng kutsara dun sa babae.

"Pahiram muna bess." Sabi ko sabay harap kay boy butiki 1 at pinagsasampal sya ng kutsara. Tapos nang makarecover na ako dahil tuwang tuwa ako sa ginagawa ko ay umikot ako sabay sipa sa tagiliran nya.

"Oops, di ako ang nauna. Aksidente lang." Nakataas ang kamay kong sabi saka ibinalik sa plato nung babae yung kutsara. "Di ko na nahugasan."

Babalik na sana ako sa upuan namin ni Kazuki nang makitang nakatingin sila sa'kin at pati natin si Kazuki ay tulalang nakatingin sakin habang pinanlalakihan ako ng mata.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon