A/N: vote vote vote guysss. Comment din. Love yah.
Chapter 6: New Member
—WYNNE KHALIL CY—
"Nakikinig ka ba Khalil?!" Napamulagat ako sa sigaw na yun ni Kazuki.
"Ah sorry na, yun na eh. Kakain na ko ng dalandan eh." Sabi ko sabay kusot ng mata.
Nakatulog na pala ako.
Pinagmasdan ko sila na mukhang nagdedebate.
Hanggang ngayon ay nasa loob parin ako ng Headquarters ng SC. At hindi ko alam kung paano ba ako makakatakas sa mga to dahil nasa room yung bag ko. Nagugutom na ako at naiisip ko palang yung Dalandan at Ponkan ay halos maglaway na ako.
"May Dalandan ba kayo dyan para naman may pakinabang din yung nangangalam kong sikmura?" Tanong ko at dumeretso naman yung isang lalaki sa maliit na ref na nasa loob ng headquarters at inihagis sakin yung isang piraso ng ponkan.
"Ang liit naman." Reklamo ko. Magbibigay na lang kasi ay yun pang kulan sakin.
"Reklamo pa." Pairap na sabi ni Tyrone sakin na ikinatawa ko. Sabat pa.
"Galing mo mangirap ng mata ah, bakla ka siguro. Hayaan mo model ng makeup yung nanay ko. Ihihingi kita kay Kareen ng mascara para kabog ang awra mo." Sabay kindat ko dito. At sisigaw pa sana to nang iharang ni Zero ang kamay nya sa amin.
"Nagdesisyon na kami ng Vice Cap. Wala tayong magagawa. Nakitaan na ni lolo ng potential sa pakikipagbasagulo 'ting mayabang na 'to. Kung hindi natin sya kukunin at isasama sa Octavians ay malamang sa malamang na si lolo ang magaalaga sa kanya—"
"Ako? Aalagaan ng lolo mo? Ano ako, tuta? Eh sating dalawa ikaw nga yung aso eh." Sabi ko sa kanya. Nakakaduwa talaga to.
"Manahimik ka muna dyan. Nakakasura ka na." Inis na sabi nay. Alam mo na, nababakla na naman po sya.
Bigla naman akong nagulat nang sabay sabay nanagsalita yung pito.
"Named Octavians, made to fight with the power of 8. Pride, bravery, just, intelligence, daunt, skillful, fearless and passionate. We, students of Legion Knight Academy, oath to declare our loyalty and self as the school's pride and valor. A soldier, a fighter, and a Knight. Power of 8, united as 1."
*CRICKETS!*
Napakurap ako ng ilang beses bago mabagal at mahinang napapalakpak.
"Ay! Bet ko ang speech nyo ah."
Nakita ko naman ang masasamang tingin na ipinukol sakin kaya itinaas ko ang magkabila kong kamay para sabihin suko na.
Grabe. Di po ako lalaban.
"Ezekiel Zero Lim, Legion Knight Academy's Student Council President and the Octavians Team Captain." Sabi naman ni Zero habang nakasandal sa pader at tamad na nakatingin sakin.
"Casper Mesillo, Legion Knight Academy's Top 1 from Section A-1 and the Octavian's Vice Team Captain and Battle Planner." Sabi naman nung isang nakasalamin.
"Kazuki Hirukashi Tamara, Legion Knight Academy's Student Council Secretary and the Octavian's Professional IT member."
"Cade Samonte, Legion Knight Academy's Student Council Vice President and Octavian's Weapon Combat Battler."
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...