Chapter 40: The Time Stopper

199 14 4
                                    

Chapter 40: The Time Stopper

-WYNNE KHALIL CY-

"Napaano ka ba kanina?" Usiserang tanong ni Zumi sa akin.

"Ewan. Manahimik ka na lang at manood. Susunod na tayo d'yan." Paalala ko sa kan'ya.

Matapos ng pangyayari kanina ay hidni na si Aso ang katabi ko. Lumapit na sa akin si Raven at 'yung kambal dahil hindi daw sila mapakali sa nangyari.

Nagtataka nga daw sila kung bakit namatay ang ilaw. Imposible naman daw na nagshut down lang ng biglaan yung system nila. Baka naman nagkafault lang sa wirings ng ilaw.

Hindi ko din alam.

Kanina lang ay nagannounce na sila at humihingi ng tawad dahil daw sa pagkamaty ng ilaw. Minor na pagkakamali lang naman daw ang nangyari kaya wala naman daw talaga dapat na ikabahala.

Itinuon ko na lang ang atensyon sa gitna ng arena at nakita ang dalawang grupo na magkalaban.

Ang category na ito ang tinatawag nilang The Time Stopper.

Wala naman akong idea kung ano ito kaya lumapit ako kay Raven at Kazuki para magtanong.

"Ano 'yung Time Stopper?" Tanong ko sa kanila.

"Ewan." Sagot ni Raven. "Last year kasi simple lang. Itetest lang 'yung speed ng players. Hindi ko lang alam ngayon kung ano naman ang gusto nilang ipagawa sa atin." Mahaba n'yang dagdag.

"Hindi maganda 'yung naiisip ko." Bulong ni Kazuki na ikinatingin naming tatlo sa kan'ya.

"Hindi maganda? Bakit? Naiisip mo ba 'yung mukha ng kambal mo?" Taka kong tanong pero imbis na sagot ang makuha ay isang malakas na konyat ang nakuha ko kay Zumi na ngayon ay nakangiwing nakatingin sa akin. Ay si ateng, galit? Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ako ng totoo! Chourva!

"Mga baliw. Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko ngayon. Wala ako asa kondisyon ganon." Sabi ni Kazuki atsaka tamad na humalukipkip ng kamay.

Imbis na makigulo ay itinuon ko na lang ang pansin sa gitna nang arena.

"THIS IS THE SECOND GAME CALLED THE TIME STOPPER. BUT THIS TIME, THE GAME HAS BEEN MOVED TO THE NEXT LEVEL. UNLIKE BEFORE, THE TIME STOPPER IS JUST A TYPICAL SPEED TEST FOR PLAYERS. BUT FOR NOW... LET'S MAKE IT MORE FUN." Tila hibang na sabi ng announcer na nakapagpatigil sa akin. Ako lang ba? Ako lang ba 'yung nakakapansin na parang nagiba 'yung tono ng boses ng announcer? Di bale na. Baka naman haggard lang ang lolo n'yo.

"Iba na daw." Bulong ni Zumi sa tabi ko na parang shunga lang.

Bigla namang bumukas ang halos dalawang dipang bilog sa gitna ng arena at pumaitaas ang isang lamesa, dumating sa gitna ang mga tauhan na may bitbit ng pareparehas na klase ng baril at pareparehas din ng itsura atsaka inilapag sa lamesa na nasa gitna.

"EACH MEMBER OF A TEAM HAS TO CHOOSE A GUN. THIS IS ANOTHER VERSION OF A MAFIA GAME. BUT SAD TO SAY AY WALA KAYONG DOCTOR OR HEALER. THIS IS A PROTECT-KILL SITUATION. EACH TEAM HAS A MEMBER WHO WILL GET A GUN WITH A LOAD. KADA TEAM AY IISANG MIYEMBRO LANG ANG MAKAKAKUHA NG BARIL NA FULLY LOADED AND THE REST, WALA NA SILANG KAHIT ANONG BALA. AT ANG TWIST DITO... TITIGIL LANG ANG SHOT CLOCK KAPAG NATAMAAN NA NG TEAM N'YO ANG MAY HAWAK NG BARIL NA MAY LAMANG BALA MULA SA KABILANG SIDE NG TABLE. AT KUNG HINDI N'YO MAPAPATIGIL ANG SHOT CLOCK? LAHAT KAYO-"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon