Chapter 4: Emperor Ruler of The White Mask and The Revenge of the Pitong Unggoy

366 24 5
                                    

Chapter 4: Emperor Ruler of The White Mask and The Revenge of the Pitong Unggoy

-WYNNE KHALIL CY-

"Kazuki, kadorm mo pala sya?"

"At kaklase mo pala sya?"

"At ano na naman bang nangyari kanina Khalil?" Napangiwi ako nang tanungin ako ni Kazuki. Nasa cafeteria kami at kasama ko yung magkapatid na hapon.

Magkatabi sila habang ako naman at nasa tapat nila. Para tuloy akong nasa paglilitis.

Pinagmasdan ko sila at napagtantong hindi nfa nalalayo ang itsura nitong dalawa pero kita mo parin ang lagkakaiba. Mas singkit si Zumi at mas mukhang bata kaysa kay Kazuki na mukhang mataray at cool.

"Ano nga bang ginawa ko kanina?" Tanong ko habang pasipol sipol na tumingin sa mga ponkan at dalandan na dala nila.

Akmang dudukot ako don ng isa nang tampalin ni Kazuki yung kamay ko.

"Ang damot sa dalandan."

"Kaya ka napalabas eh." Sabi naman ni Zumi sa'kin.

Kanina ay pinalabas ako ni Ma'am at ganun nga ang ginawa ko.

Isinama ko yung upuan ko, mga dalandan ko at ang mga gamit ko papalabas at nakalagay sa may tapat ng pintuan yung upuan ko para asarin si Zero na pasulyap sulyap sa'kin.

Panay lang ang pagkain ko ng mga dalandan kahit nasa labas na ako kanina.

"Ang tae tae nung teacher nating yon, kumain lang ako ng dalandan sa time nya pinaalis na ako." Nakangusong banggit ko at napahalumbaba dhil sa pagkaasar nang pitikin ng dalawang hapon yung noo ko.

"Hay nako." Napapairap na sabi ni Kazuki sakin.

"Pinasagutan pa ni Mrs. Renar yung limang equations na nasa board sa kaniya tapos sasabihin ni Khalil na hinulahulaan nya lang yon." Banggit naman ni Zumi.

"Ay sayang Kazuki! Kung nasa room ka kanina, nakanganga silang lahat." Mayabang kong sagot.

"Baka naman kasi mali mali yung mga sagot mo." -Kazuki.

"Di ah! Ang lakas nga ng loob nyan ni Khalil. Hinulahulaan nya lang yung limang equations sa loob ng limang minuto tapos lahat tama." Pagtatama naman ni Zumi sa kapatid niya.

Ngumiti ako saka Imwinestra ang kamay ko sa harapan ni Kazuki para sabihin na akin na ang mga Ponkan, Dalandan at Orange nya.

Tamad na iniabot nya sa'kin ang mga Dalandan at agaran ko naman ito'ng nilantakan. Pero nasa gitna ako ng pagkain nang may maramdaman akong kakaiba sa likod ko kaya't dali dali ko ito'ng sinalag gamit ng kamay at ibinalibag.

"A-aray!"

"Tyrone!" Sigaw naman ni Cade, Kazumi at Kazuki.

"Wow sabay!" Tuwang tuwa kong sabi. Ang cute kasi pakinggan. Sabay sabay sila. Parang choir.

Nakita ko naman kung sino ang nasa likod nitong Tyrone na pinilipit ko ang kamay.

"Kayo na naman?" Tamad kong tanong kina Zero at Cade. Mukhang ayaw talaga akong tantanan ng mga to ano? Parang desidido talaga silang sapawan ang buhay ko.

Itinabingi ko ang ulo para tingnan kung sino yung Tyrone na tinutukoy nila at nalamang ito yung binugbog ko kasama ni Cade kagabi kaya't nakipag meeting kami kay Pareng Emmanuel.

"Oy ikaw pala!" Bati ko sa kanya pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

"B-bitawan mo nga ako! Masakit! A-atsaka paano mo nalaman na nasa likod mo kami!" Sigaw nya.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon