Chapter 22: Dislocated

247 17 0
                                    

Chapter 22: Dislocated

-TYRONE RODRIGUEZ-

"Huminahon nga muna kayo. Wala na tayong ginawa kundi ang magpanic anak ng tipaklong 'yan." sabi ko at halos isubsob ko na ang pagmumukha ko sa palad ko dahil sa sobrang pagkadismaya.

Wala na kaming ipinahinga. Oo. Nakakatulog naman kami pero yung stress, pagkagisin namin ayun parin.

Malapit na ang IFBDS. Hindi ko inaasahan na malalagay pa sa panganib si Casper ngayon.

Naalala ko tuloy yung laging pakilala ni Casper sa Phantom 15.

"Casper Mesillo, Legion Knight Academy's Top 1 from Section A-1 and the Octavian's Vice Team Captain and Battle Planner."

Hindi naman sya yung tipo ng tao na may kaaway kaya sigurado pa ako sa sigurado na wala talagang kinalaman dito si Casper.

Base sa video at sa mga nalaman namin tungkol kay Hunt, mukhang si Khalil talaga ang pakay ng mga lalaking yun sa kanya.

Hindi ko nga lang masabi kung bakit nila kailangan si Khalil.

Pero may isa pa akong bagay na sigurado. Malinis ang intensyon ni Khalil.

Hindi sya mahirap intindihin. Sa aming walo nga ay mukhang sya pa ang pinakamadaling hanapan ng impormasyon.

Kaso sa lagay namin ngayon ay mukhang hindi namin mahahagilapan ng impormasyon si Khalil.

Ayun yung dalawa, may LQ parin. At hindi lang 'yon.

Matapos kasi nung araw na naabutan niya kami sa Headquarter's na nagtatalo talo. Teka nga! Bakit naman hindi ko napansin na nasa headquarters na pala sya at matamang nakikinig sa usapan namin.

Pakiramdam ko tuloy ay pinagkaisahan namin si Khalil dahil sa ginawa naming pagpupulong ng hindi sya kasama.

Napabuntong hininga na lang ako.

Matapos din ng araw na yon, na nangyari kahapon. Hindi namin sya nahanap.

Natulog at nagising na lang si Kazuki sa dorm nang wala manlang si Khalil. Ngayon nga ay malapit nang manira ng gamit itong si Kazuki habang parang timang na bubulong buling at pinakakalma ni Raven.

"Cade, bigyan mo nga muna ng tubig yang si Kazuki." Utos ko.

Grabe, stress.

Atsaka isa pa ah! Iwas na iwas si Zero samin. Ilag na ilag sya na para bang hindi nya kakayaning magsalita dahil kasama nya kami. Grabe. Hindi ko na talaga kakayanin to. Lalo pa sa twing makikita ni Kazuki si Zero. Ang talim ng tingin nya. Parang ano mang oras ay lalapain na lang nya basta ito.

Oo, mainipin at magagalitin si Kazuki pero mas matindi pa sya ngayon.

Sa palagay ko ay sinisisi nya si Zero dahil ngayon ay hindi namin mahanap si Khalil. Wala sya sa kahit saan at sa palagay ko ay dumaan sya sa matataas na bakod sa may bandang border ng gubat na hindi naman imposibleng mangyari.

Si Khalil pa? Walang imposible sa babaeng 'yon.

Maya maya lang ay dumating si Cade na may dalang baso ng tubig kaso para namang pusang ginulat si Cade nang mapatalon ito dahil sa malakas na sigaw ni Kazuki.

"Ang kapal ng mukha nya! Hindi ba parang sumusobra naman sya! Ano? Wala ba syang balak hanapin si Khalil? Ang lakas ng loob nya! Timping timpi na ako! Nasaktan yung tao panigurado tapos hindi nya manlang susuyuin!"

Gusto ko nang takpan ang tenga ko.

Ganon din si Hunt na sa akin ay nakatingin na ngayon habang napapailing.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon