Chapter 50: Mini Reunion

184 14 1
                                    

Chapter 50: Mini Reunion

-WYNNE KHALIL CY-

"Hindi ka parin nagbabago Puti. Bobo ka parin." Sabay ngisi ko na ikinaputla ng mukha n'ya.

"Please excuse us." At naputol na lang ang tingin ko sa kanya nang hawakan na ni Zero ang siko ko.

Sa palagay ko naman ay natunugan na ni Zero na hindi maganda ang mood ko para makipagusap kaya't hindi na s'ya nagsalita pa.

Pasimple akong napapikit bago bumuntong hininga.

Nang makalapit na kami sa cashier at akmang kukuhanin ko na sana ang tray na may mga pagkain nang sumenyas si Zero sa mga staff na nasa may loob.

"Can you please help us bring our foods there." Mahinahon n'yang sabi atsaka itinuro ang aming table.

Nanatili lang akong tahimik nang maramdaman ang kamay ni Zero sa likod ko at iginaya ako papunta sa upuan namin.

Ramdam ko ang pananahimil ng pito.

"Hey HAHAHAHA! Ayan na 'yung pagkain." Pilit na tawa ni Cade kaya nginitian ko sila.

Tangina.

Kanina pa ako sa tournament nagpipigil. At doon ko lang din nalaman na si Puti pala naman ang tinutukoy ni Cade na singit.

Gusto kong matawa. Dito pa nga daw kami nagkita. Kung kailan ayos na ko't lahat.

Naaalibadbaran tuloy ako tuwing maaalala ko ang ginawa ko noong elementary kami at 1st year high school.

Nang dahil sa katangahan n'ya ay hindi lang ako ang naperwisyo n'ya noon.

Pati ang uhuging si Raquim na nananahimik naman ay nadamay pa at nasaktan ni Y. Paniguradong kahit si Raquim ay hindi n'ya pinasalamatan, matapos tumawag nang tulong nong uhuging 'yon.

Tss. Walang kwenta ang makita s'ya.

Nageemote pa ako dito nang magitla ako dahil hinawakan ni Aso ang kamay ko. Tataasan ko pa sana s'ya ng kilay nang makita ang mukha nito.

Jusko ang lolo n'yo. Parang minaltrato. Mas nakakaawa pa ang itsura kaysa sa'kin.

"You should eat." Pakiusap n'ya. "I'm not forcing you to tell me what's the problem but keep in mind that I will always listen. Pwede kang magkwento sa'kin. Okay?"

Napabuntong hininga naman ako bago tumango tango. Baka manaya kapag kami na lang dalawa atsaka ako magkekwento. Hindi ko fell ngayon e. Madaming tao. Baka naman mamaya ay may bebe time kami kaya masasabi ko din sa kanya.

Gya nga ng sinabi n'ya ay kumain na din ako.

Nagugutom na din kaya ako haler.

。。。

Natapos na din kaming kumain at napagpasyahan naming gumala muna.

Nasabi sa'kin ni Aso na bukas daw kasi s'ya magiging busy, ganon din si Cade na VP, si Tyrone na journalist at si Kazuki na secretary.

Gusto ko tuloy maginarte. Akala ko pa man din ay bukas na kami makakapagbonding nang mas masaya dahil madaming activities pa bukas kaso ay tambak naman daw sila ng duties.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon