Chapter 18: Clue In Disguise

249 16 0
                                    

Chapter 18: Clue in Disguise

-WYNNE KHALIL CY-

"LILAC MOVED TO POWER 10'S RANK 8!"

Napahawak na lang ako sa kanang balikat ko nang hindi ko na naman ito maigalaw.

Ayun yung FRIDAY D 13. Nakalupagi na lang sa may sahig ng grounds habang ang mga tao ay nagsisigawan.

Ako naman ay tila namanhid na ang katawan.

Tumingin ako sa malaking parang scoreboard na nasa itaas ng arena at nakita ang pangalan ko sa listahan ng mga nasa POWER 10.

Nasa POWER 10 na din ako.

Nakita ko ang pagbukas ng bakal na bakod na nakaharang sa grounds.

"Lilac." rinig kong tawag nila Kazuki kaya't napapikit ako.

"Nanalo ka." Rinig kong bulong ni Raven sa gilid ko habang inaalalayan akong mabuti ni Cade at Tyrone.

"May masakit ba sayo?" Tanong ni Casper habang dinudungaw ang mukha nya sa mukha ko.

"Walang masakit pero pakiramdam ko namamanhid yung katawan ko. Wala akong maigalaw kanina."

"Sure ka? Eh pinugpog ka ng baseball bat kanina ah." -Hunt

"Seryoso, wala na akong naramdaman kanina. Hanggang ngayon." sabi ko.

At tila naman nagulat ako nang may humigit na lang sa kamay ko at inalis ako sa pagkakaalalay ni Cade at Tyrone.

"Let's get out of here." tila inis nyang sabi.

Teka nga. Bakit na naman ba naiinis 'to. Ano na naman bang ginawa ko sa kanya.

Gusto ko sanang magreklamo sa kanya pero tila ba nanlalanta ang mga buto ko at ni ang tumayo lang ay hindi ko pa magawa.

"You fine?" Tanong nya na may malumanay na boses na ipinagtaka ko ng sobra.

Kanina lang ay parang naiinis sya tapos ngayon ay parang nagaalala naman sya. Ano to, acting?

Nang hindi ako sumagot ay binuhat na lang niya ako habang inaalalayan sa likod at sa may hita.

"Fck." Nanlaki ang mata ko nang marinig syang magmura.

"Ano bang problema mo. Ba't ba bigla bigla ka na lang nagmumura-"

"Umayos ka nga. Yumakap ka sa leeg ko. Magtago ka, nakikita ng nga tao 'yang tyan mo. Labas na labas."

"Ano ba'ng-"

"Legion Knights." sandali akong natigilansa pagsasalita nang marinig ang isang lalaki na papalapit sa amin.

Sinilip ko kung sino ang mga ito at halos iisang batlyon ang mga ito.

Mas marami kumpara mo sa amin.

Tatanungin ko sana ang mga isang batalyon ng kadalandan na nakasuot ng kulay Silver na mga duel shirts pero naramdaman ko na lang na itinabig ni Zero ang mukha ko kaya't napasubsob ako sa dibdib nito.

Lintik ang tigas ng dibdib. Parang puro maskels na bakal.

Napansin ko ang paglapit nila Hunter at pagtabi sa amin.

"Mga estudyante ng Silverton? mga First Gen pala 'to MAGNATE." Sabi ni Tyrone.

"Ano'ng kailangan nyo?" maangas na tanong ni Casper.

Bigla naman akong nabanas dahil hindi ko magawang makapagangas din sa mga estudyanteng kaharap namin na nakamaskara din.

Haharap sana ulit ako sa kanila nang pilit na namang pinapaharap ni Zero yung mukha ko sa kanya kaya't pinanlisikan ko sya ng mata pero pinanlisikan din nya ako.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon