Ang Huling Pahinang Isusulat Ko

75 3 0
                                    

Ang huling pahinang isusulat ko

Heto na naman ako
Nag iisa, at nag iisip ng kung anu ano.
Pilit gumagawa ng eksena na kapareho sa mga kuwentong panglibro.
Mag iisip ng magandang pamagat
At tsaka gagawa ng storya na parang libro.
Magsisimula sa wala
Hanggang sa may makikilala
Magiging magkaibigan
Hanggang sa magka-ibigan.
Napakasimple diba?Pero yan ang nagiging simula ng makabulohang kuwento na aking ginagawa.
Mga kuwentong inihahambing sa mga kuwetong panglibro
Mga kuwentong pambata na may happy ending
Mga kuwetong kathang isip na hanggang pangarap lang at di magkakatotoo.
Sabihin man ng iba na bitter ako
Dahil sa mga kabanata na hindi ko binibigyan ng masasayang moments kundi
Lungkot,Galit,o kaya naman paghihirap
Pero nagiging realidad din ang isip ko na hindi lahat ng kuwento puro happy ending ang ipinagtatapos.
Uubusin ko ang lakas ko at ang space ng memory card ko para lang maitype ang kuwentong ginagawa ko.
Sa huling pahina na isusulat ko
Alam kung magiging makabuluhan ito ng husto.
Titiisin ko ang sakit ng mata ko at ang pag ngalay ng kamay ko para maitala
ang lahat ng nadarama ko at alaalang  maiikonekta ko sa kuwentong aking binubuo.
Mga alaala na minsan ay naging bahagi ako.
Pagkatapos
Itoy aking isasara
At handa na muling magsimula ng bagong pahina at bagong yugto ng aking istorya.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon