Ibang Ako

130 3 0
                                    

Ibang ako

Sabi nga nila kapag nasasaktan ang isang tao,
Tila puso nito ay isinasarado.
Isinasarado— sa bawat taong gusto kumatok dito.

Tila manhid na din ito,
Kapag paulit ulit na itong nasasaktan.
Nagiging iba na ito kapag nasaktan .

"Ibang iba kana sa dati"
"Parang di na kita kilala"
"Iba talaga kapag nasasaktan— nag iiba"

Mga salita na maririnig mo,
Galing sa mga mapanghusgang tao,
Pero para sa akin tama lang ito.

Nang dahil sa sakit na nararamdaman ko,
Sa mga pighati na dinanas ko,
May karapatan akong magbago.

May karapatan akong baguhin ang sarili ko p
Para maging ibang tao.
Nasaktan ako at iyon na yon.

Gusto ko maging matatag na ako.
Gusto kung baguhin ang sarili ko,
Para na rin sa ikabubuti ko.

Di naman ibig sabihin na magbabago ako
Magbabago narin ang pakikitungo ko sa inyo,
Nais ko lang magbago para sa ikabubuti ko.

Hindi sa pisikal na anyo,
Hindi sa pakikitungo,
Kundi pagbabago sa pagkatao ko.

Gusto kong maging matatag,
Yung hindi kayang gibain ng kahit na sino man,
Di na magiging duwag.

Yung kayang tumayo sa pagkakadapa—
Yung kahit masaktan man kayang bumangon para sa bagong kinabukasan.
Ilan lang yan sa mga gusto kong baguhin sa sarili ko.

Bagong ako...
Pero di mawawala yung dating ako,
Dahil naging inspirasyon ko yong dating ako para magbago.

At patuloy to na nasa pagkatao ko.
Para sa mga taong di ako sinaktan,
Umasa kayo na ako'y patuloy parin inyong masasandalan.

Kahit na may katagang Bagong ako
Na bumabalot sa pagkatao ko,
Asahan na may bakas ito ng dating ako.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon