Mahal kita huwag kang mag-alala
mahal mo ba ako?
bakit hindi ko ramdam?
bakit parang nasa iba ang puso mo?
ang bigat sa pakiramdam.mahal kita,
paniwalaan mo sana ako sinta
nahihirapan ako ipaintindi sayo
nabihag mo rin ang puso ko.patawad
patawad dahil sa baluktot kong pag-iisip
isip ko'y tila huwad
ako nga ba talaga ang iyong nasa isip?mahal kita
bumalik man ang nauna
ikaw na ang pipiliin ko sinta
kaya tama na.pangalawa lang ako
natatakot lang na maiwan mo
baka umabot sa oras na baka ika'y sumuko
ayoko ng mabigo.tama na
wala kang tiwala
pati sarili mo iyong kinakawawa
ako lang to, kahit pangalawa ka mahal ka.ayoko dumating ang oras na ihahatid kita
ihahatid sa kanya
masisisi mo ba ako?
saksi ako ng nagmamahalan kayo.saksi ka nga
kaya sana saksi ka na rin sa atin
mahal kita, tama na
ikaw lang sapat na.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesíaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...