Ibong hindi malaya

41 3 0
                                    

Ibong hindi malaya

Ako'y tila nasa isang hawla
Di makatikim ng totoong saya
Tila ako'y nakatanikala
Sa isang kwartong walang kawala.

Tulad ng isang ibon na nakalilipad
Ngunit tila may tali ang paa
Lahat ng desisyon mo
Ay pawang parang utos lang para sa kanila.

Di mo magawang sumuwat
Pagkat tila lahat ng bagay ay may kapalit
Maraming bagay ang pwedeng mangyari sa isang simpleng pagsalunggat lang.

Salitang tapang ay tila walang puwang
Sa aking isipan
Sa tuwing ako'y tututol
Tila wala silang makialam.
Tanging nais lang nila dapat sundin sa lahat ng bagay.

Ako'y isang tao
Ngunit tila walang kakayahang pumili ng gusto.
Sana dumating din ang araw na kaya kung panindigan totoo kung gusto at magkaroon ng kakayahang ipaglaban yung totoong pangarap ko.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon