Mahirap ang buhay mahirap

302 2 0
                                    

MAHIRAP ANG BUHAY MAHIRAP

Namulat ang aking mata sa estado ng buhay na dugo at pawis ang puhunan. Musmos pa lamang ay kailangan ko ng itanim sa aking isipan ang mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang. Pag-aaral nga ay mahalaga ngunit hindi sa lahat ng oras ay kailangan pumunta sa eskwela dahil sa kinalalagyan ng aming pamilya mas maigi na makatulong na.

Sa tuwing aking mga magulang ay magsasaka, aani ng palay at mais, at kung anu-ano pa ay kailangan kung bantayan ang aking mga kapatid. Liliban sa paaralan at mag-aasikaso sa loob ng bahay at magpapaka-nanay. Sa tuwing papassk naman sa eskwela baong limang peso at pananghalian na inihanda ni inay ay sasapat na sa paghapon nasa paaralan.

Buhay ay hindi madali,
Iiyak na lang sa sobrang pighati.
Tila nanlilimos,
Ang aming mga kaisipang musmos.

Sana may pera kami,
Sana'y may mga masaganang buhay kami.
Lahat ng sana na aming hinahanggad
Paghihirap pa rin sa amin ang lumalantad.

Pangarap na magkaroon ng magandang buhay, mairaos man lang ang pamilyang sobrang hirap na ang pinagdadaanan. Nabuhay na sa hirap kaya't pangarap ay maisakatuparan at maiparanas buhay na matiwasay sa aking pamilyang noon pa man ay kahirapan na ang kinalakhan.

Mahirap maging mahirap, hindi mo alam kung saan mo kukunin ang mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magkaroon man ng extrang trabaho pang isang araw lang ubos agad ng nasweldo dahil sa dami ng utang. Hindi alam ng iba ang sakripisyo nila para mabuhay lang sa isang araw.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon