𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏
Gagawin ko ang lahat para sayo sinta
Aabutin ang buwan para sumaya ka
Kahit mahirap hinding-hindi ako magsasawa.Pag-ibig ko ay tunay
Ika'y parte na ngayon ng aking buhay
Sana'y tadhana'y huwag tayo ipaghiwalay.Sa pag-abot ko sa buwan
May bagay na hindi ko inaasahan
Ika'y nakatingin ngunit tila may dinaramdam.Buwan na simbolo ng ating pangarap
Ikaw sa akin ngayon ay nakaharap
Ayaw mo na akong makasama sa hinaharap.Sa kabila ng aking paghihirap
Naituon ko ang aking sarili para sa ating pangarap
Ngayon ika'y nasa iba ng kaharap.Masaya ang lahat ng tao
Pamilya'y bubuo na kayo
Naiwan akong talo.Ikaw ang dahilan ko sa lahat
Ikaw sa aking ang nagpamulat
Upang huwag ako makuntento sa buhay na salat.Pilit inaabot ating pangarap
Kahit hindi na ikaw ang kaharap
Ipagpapatuloy ko abutin ang buwan para sa aking pangarap.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoezjaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...