Matandang mapera

25 1 0
                                    

Matandang mapera–

Iyong pagmamahal ay tila naglaho
Ako'y sinanay mo sa aking luho
Ngayon tila ako'y naghihingalo
Pagkat ako'y iyong iniwan at pinagpalit sa bago.

Ika'y isang matanda
Ma–pera at buhay ay maganda
Nang tayo'y nagkakilala nabighani ka sa aking ganda.

Sa una ay masaya
Maganda ang tungo ng ating pagsasama
Ngunit ako'y hindi pala nag-iisa
Sa buhay mo'y tila marami kaming nakapila.

Matandang mapera—
Tila pinagpipilahan sa kahera
Mga tuhod ay hindi na pwede sa karera
Kami sa iyo'y hile–hilera.

Ngunit ng ika'y magsawa–
Ako'y iyo'y iniwan na tila walang awa.

Maperang–matanda
Ngayong ay naghihingalo na sa katandaan
Ako'y nagbagong buhay
At tila ika'y lolo na– na aking ngayon ay tinutulungan.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon