Existing of sunrise and sunset in love
Tila ang pag ibig
Ay parang pagsikat at paglubog ng araw,
Sa una
maaliwalas sa pakiramdam
Ngunit habang tumatagal
may mga bagay na mayroon ng lamat ng lungkot at sakit sa tuwing iyong pagmamasdan.Sumisibol ang pag ibig
Dahil na rin sa mabubulaklak na mga salita,
mga magagandang katangian na ipinapakita,
mga galawan na nakakakilig at puno ng pagsisikap at sinseridad,
mga magagandang regalo at bulaklak,
Mga pangako na matatamis
At kahit anu pang mga magagandang bagay na sa una mo lang mararamdaman.Pakiramdam ay sobrang ganda
Tila sing ganda ng araw na papasikat pa lamang,
Nakakaakit at magandang pagmasdan kapag malapitan.
Yung tipong sa unang sulyap mo pa lamang mapapangiti at tila buo na ang iyong araw.Ngunit tulad ng isang araw
habang matagal ng nakatirik sa kalangitan
nakakasakit din.
May mga bagay
na hindi lang puro ganda
ang iyong madadama kundi sakit at pagpapasensiya.
Sakit na dulot ng taong akala natin hindi tayo sasaktan
hindi paiiyakin,
At lalong hindi tayo iiwan.
Pagpapasensiya
sa mga bagay at pagkakamali sa isat isa upang relasyon ay magtagal pa.Dyan yung kahit kaya pa nating lumaban pero tila ang isa ay matagal ng sumuko
Matagal ng nagtago sa lilim ng isang bagay upang hindi kana samahan sa laban na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip natin ang salitang "suko na ako".Yung sa sobrang sakit parang mamamanhid ka na lamang.
Yung Siya yung dahilan ng lahat
Siya yung unang nagtapat
pero siya yung unang sumuko at nang iwan sa laban kung saan ay dapat magkasama kaming lumalaban.May mga bagay na pinanghahawakan talaga natin kahit na masakit na pilit parin nating iniisip na maaayos parin talaga kahit malabo ng talaga
na kahit man lang kunti ay wala tayong maaasahan pa.Kahit masakit na
unti unti parin
tayong naniniwala
sa mga bagay na sinasabi
ng taong mahal na mahal natin.
Unti unti din nating
pinapatay ang mga sarili natin dahil lang sa mga bagay kahit harap harapan na tayong nasasaktan,
Inuunawa parin natin ng lubusan dahil nga sa pagmamahal.Ang pagsikat at paglubog ng araw
Ay araw araw nating nasasaksihan,
Wala tayong kayang ibang gawin kung hindi tanggapin ang mga bagay at pangyayari na sadyang hindi natin kayang pigilan
dahil tadhana na mismo
ang tutol sa ating pagmamahalan.Ngunit tulad din ng isang araw
Lulubog din ito at may bagong bukas na masisilayan.
Bagong araw kung saan sarili ay bubuohin muli.
Panibagong yugto ng buhay na
Kakalimutan ang sakit,
Itatayo ang sarili na hindi nakaasa sa iba.Lahat ng simula ay may pagtatapos,
Lahat ng bagay ay nagbago,
At isa narin ang relasyon nating nasimula sa saya ngunit magtatapos lang din naman pala.
Magsisumula sa pagbubuklod ng pag ibig, susundan ng sakit, at pagtatapos sa alaala nalang.
Magkakaroon ng panibagong araw kung saan masasabi natin sa sarili nating "NAGMAHAL LANG AKO".
At ngayon ay may natutunan na ako sa mga sakit na pinagdaanan ko
Mas magiging matatag na ako sa mga bagay na pagdadaanan ko pa sa buhay na mayroon ako ngayon.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesiaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...