Aking bansa

24 1 0
                                    

Aking bansa

Bansa na aking kinagisnan,
May maihaharap pa ba sa kinabukasan?
Ito ay may gandang maipagmamalaki
Ngunit sinisira ng nakararami.

Ipinagtatanggol noong unang panahon,
Kaya't may kalayaan at unti-unting bumangon.

Mga bagay na mayroon noon,
Asan na kaya sa ngayon?

Anong silbi ng ganda,
Kung may sakit– na iniinda.
Marami man ang nagagandahan
Ngunit marami ang nahihirapan.

Lahat ng bagay ay may hangganan,
Kaya't unti-unti na rin itong napag-iiwanan.

Bansang ipinaglaban noon,
Nasisira na ng tuluyan ngayon.

Tanong ko lang,
Kaya mo bang ipaglaban ang iyong bansa?
Ibubuwis mo ba ang iyong buhay para sa iyong bansa?

Sa panahon ngayon,
Ating ipakita na kaya rin natin ipagtanggol ang bansang ipinaglaban ng karamihan noon.

Maging isang bayani
Upang makatulong sa nakararami.
Bansang ating kinagisnan
Ating pakaingatan
Upang sa bandang huli marami ang makinabang.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon