Kape't pag-ibig
±
Sa aking pag-gising, ika'y unang hahanapin. Ihahanda ngunit may nakalimutan gawin. Naiwan ang tasa ng kape sa isang mesa, nag-iisa at walang kasama. Unti-unting lalamig ang kape na kanina ay mainit pa. Kapag iyong naalala, babalikan mo. Sa pagbalik mo, lamig na ang sumalubong sayo. Dating kay init ngayon ay kay lamig na.
±
Sa pag-gising ikaw agad ang hanap. Ihahanda ang sarili, mag-aayos ng matagal. May mga bagay ka pa pala na dapat gawin, siya iyo munang iniwan panandalian. Nag-iisa sa isang sulok, tanging ikaw lang ang hinihintay. Unti-unting nanlamig, pag-ibig na dating kay init. Sa tuwing maalala mo saka mo lang babalikan. Sa pagbalik, panlalamig ang sumalubong. Dating mainit niyang pagmamahal ngayon ay tila kasing lamig na ng yelo.
kape at pag-ibig
malingat ka lang saglit
baka tuluyan ng lumamig.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...