Ating kuwento

15 1 0
                                    

Sa unang pagkikita
Kilig ay hindi ipinahalata
Nakahahalina ang iyong mga mata
Hindi nakapagpigil ng kilig ng ika'y makita

Sa bulaklak na iyong ibinigay
Tila ako'y para ng mangingisay
Sa tuwing uwian ako'y iyong hinihintay
Halos lagi din tayong nagkakasabay

Hindi lang ako ang kinikilig
Maging pati iba ay kinikilig
Kalaunan nalaman ko rin ang iba mo pang hilig

Hindi nagtagal ako'y nakapagpasya
Ako'y iyong napapasaya
Kaya't oo ang aking pagpapasya

Bago ko masabi
Ako'y napahikbi
Hindi ko na nasabi
Ako'y tumayo nalang sa isang tabi

Ako'y nasa isang tabi habang umiiyak
Puso ko'y tila nabibiyak

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon