Maling Galaw

11 1 0
                                    

MALING GALAW

Sa mga oras na hawak kita
Pilit kang kumakawala
Hindi mo man lang inisip na—
Andito lang ako, nakakapit pa.

Sa bawat pagtangay sayo ng tadhana sa iba
Pilit kitang  hinahawakan kahit masakit na
Hindi inililihis ang tingin upang lagi kang makita
Ayaw ko kasi na mawala ka.

Pagod na ako
Masakit na ang mga kamay ko
Sa sobrang apurado mo
Bumitaw na ako.

Habang tinatangay ka palayo
Mga luha ko'y tumulo
Kahit gaano kahigpit ang kapit ko sayo
Pinili mo pa ring lumayo.

Sa paglayo mo
Sumabit ka sa iba
Sa kamalas-malasan mo
Hindi ka na ngayon makaalis pa.

Paano ka bibitaw?
Sobrang tali ka na sa kanya
Ayaw na niyang bumitaw
Kahit sakal na sakal ka na.

Wala ka ng ngayong magawa
Ang manatili kahit na ayaw mo
May pananagutan ka na
Kahit kailan siya na ang may karapatan sayo.

Kayo'y humayo
Wala na akong pakialam sainyo
Sana maging maligaya kayo
Kahit hindi ako sigurado.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon