I AM PROUD TO SAY THAT I AM ONE OF THE GIRLS

26 1 0
                                    

I am proud to say that I am one of the girls
(Prose)

Kakaiba na sa aming magkakaibigan ay nag-iisa lamang akong lalaki. Isipin mo anim silang babae samantalang nag-iisa lamang ako lalaki. Marami ang nagtatanong kung lalaki ba daw ako, nginingitian ko na lamang sila. Ano ba naman ang magagawa ko kung ang kikitid ng utak nila, diba?

Kapag nasa silid-aralan, sila ang  laging kasama ko, sa tuwing may group-project may isa o dalawa sa kanila ang nakakasama ko. Sa tuwing tatambay kami sa bahay namin o sa bahay nila ay nag-iisa lang talaga akong lalaki. Sa tuwing nagkakayayaan sa mall ay minsan talaga ako ang alalalay nila.

Ramdam ko na naiirita sila sa tuwing may kumukuwestiyon kung lalaki ba daw talaga ako, kaya lagi halos silang lahat ay may sagot.

"Bakit bawal ba?"

"Nag-iisang lalaki lang, bakla agad?

"Ano naman kung kami ang lagi niya kasama, hah?"

"Nakita nyo, ang gwapong lalaki nito!"

"Ano naman sa inyo kung kami ang lagi niyang kasama, atleast walang bisyo."

"Lalaki to noh!"

Natatawa na lang ako sa kanila, masaya ako na ganyan sila. May mha usapan din na hindi ako pwede kasi usapang babae daw. Natatawa ako sa tuwing may mga kalokohan kaming ginagawa at kapag may pinagkakaisahan kami ay syempre talo ng pito ang isa.

Sa tuwing nasa kwarto o nag-isleep over kami hindi nila ako hinahayaan na matulog sa lapag, "May tiwala naman kami sayo, dito ka na, hindi ka naman na iba sa amin noh!" yan lagi ang rason nila. Sa tuwing may inuman ay halos hindi naman sila umiinom kaya ako ang nakikisama sa tagayan minsan may dalawa ako kasama sa kanila na umiinom ng slight, pero hindi ako nagpapakalasing dahil kasama ko sila.

Usapang ML, Wattpad, RPW, at kahit anu-ano pa ay game sila dahil bawat isa ay isa dyan ang pinagkakaabalahan. Hindi ako sporty na tao, kaya sa tuwing may game sa PE sila ang laging nagchecheer sa akin kahit palpak kaya naaagaw nila ang atensyon ng nanonood. Sa tuwing may pageant ay napakasupportive nila, mas gusto pa nilang magpalibre kaysa magpapicture kasama ako kapag nananalo ako na ikinatatawa ko na lang. Sa tuwing may isa kanila ay may boyfriend ako lagi ang pinagseselosan at kapag ako naman ay may girlfriend isa sa kanila ang pinagseselosan nito.

Sa ilang taon na kasama ko sila ay masayang masaya ako, pamilya ko na sila ang mama at papa ko ay mama at papa na rin nila at ganoon din sila sa akin. Kahit kailan hindi mapapalitan ang mga alaala na kasama ko sila, mananatili ito sa aking puso at isip kahit na dumating ang araw na wala kaming ibang choice kundi ang maghiwa-hiwalay. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako nag-iisa at ramdam ko na iniingatan nila ako. Alam ko sa sarili ko na lalaki ako at masaya ako na ipagsigawan na I AM ONE OF THE GIRLS.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon