Patawad' ina—
Hindi ko man masabi
Hindi ko man maiparamdam
Ngunit ika'y aking mahal
Oh aking, nanay.Sa bawat sakripisyo
Sa bawat pasakit
Na iyong natatanggap
Nakikita kita.Pinili kong maging tahimik
Pinili kong huwak umimik
Sa bawat problema
Ika'y tila nag-iisa.Sa tuwing ako'y nasa k'warto
Sa sobrang bigat
Ako'y napapaiyak
Patawad, patawad inay.Hindi ako perpektong anak
Hindi ako kasing tibay nila
Para kayanin ang buhay.
Patawad, patawad sa aking nagawa.Alam ko na masasaktan ka
Alam ko na mahihirapan ka
Pasensiya na
Hindi ko na kasi kaya.Patawad—
Patawad lang para sa lahat
Para sa dulot ng aking nagawa.
Mahal na mahal kita, patawad.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...