DIGMAAN
Noong unang panahon
Walang usapang pangmahinahon
Bawat panig ay nanghahamon
Bawat pangako ay kanila lamang nilululon.Pagpatay ay maraming dahilan
Pagpaparusa sa lalaking galing sa ibang bayan
Pag-agaw sa asawa ng kalaban
Paghihiganti sa mga may ginawang di-makatarungan.Bawat pangkat umaanib sa iba
Upang mas lalong mapalakas pa
Pangkat ay aani ng maraming pagpapala
Kung aanib sa mas malalakas pa.Ang pagpaparusa ay base sa konseho
Importante ang kanilang payo
Depende kung ano kanilang gusto
Ito ay lalagdaan na lamang ng isang pinuno.Mas'werte pa rin tayo
Hindi ganoon kagulo
Nang tayo ay isinilang dito sa mundo
Marami na rin ang pagbabago.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoeziePROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...