Untitled

8 1 0
                                    

Untitled

"Kahit siguro ako na lang ang natitirang lalaki sa buong mundo hindi pa rin ako ang pipiliin mo."

Nabuhay akong tarantado
Walang pakialam sa mundo
Hilig lang ay mangulo
Likas ng maloko.

Nakikipagbasag-ulo
Umiinom at naninigarilyo
Walang sinasantong gulo
Pero nananatiling gwapo.

Sa kabila ng lahat
Hindi lahat ay aking isinisiwalat
Sa mga kalaban ay halos pumutok ang ugat
Sa harapan mo ay parang ako'y nilalagnat.

Pag-ibig ko'y mananatiling sikreto
Walang may alam na ika'y aking gusto
Ika'y mabait at matalino
Paanong babagay ang tarantadong ito sayo?

Gabi-gabi ika'y laging nasa isip
Maging sa pag-idlip
Ikaw lang ang laman ng sistema't isip
Sa tuwing nasa tabi ka mukha mo'y sinisilip.

Paano ako aamin?
Paano ko sayo lilinawin?
Mukhang isa lang akong hangin
Hindi mo ramdam kahit ako'y laging sa'yo ay nakatingin.

Kapag sinabi kong mahal kita
Maniniwala ka ba sinta?
Makikinig ka ba?
Matatanggap mo ba?

Kaibigan kita
Pero mahal kita
Gusto ko mapasakin ka
Paano na nga ba?

Saksi ka sa bawat gulo
Saksi ka sa lahat ng katarantaduhan ko
Paanong magiging kagusto-gusto—
Ang katulad kong kilala mo bilang maloko.

Sa aking pag-amin
Hindi mo na muli akong pinansin
Tuluyan na nga akong naging hangin
Ako'y iyo ngunit ika'y hindi akin.

Naging laman tayo ng tuksuhan
Ngunit hindi mo naman ako magustohan
Maiiwan na nga talaga akong luhaan
Nag-iisa't laging naiiwan.

Sino nga ba ang magmamahal sa katulad ko?
Gwapo pero gago
Nagmahal ng taong imposible na magustuhan ako
Karma na ata to.

Mahal kita pero ayoko mahirapan ka
Mas pipiliin ko na masaktan ng mag-isa
Kaysa madamay ang taong pilit kong iniingatan at inaalala
Ikaw yun at wala ng iba.

Ako lang to
Yung gagong mahal ka
Ni ang masaktan ka ayoko
Kasi hindi ko kaya.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon