Ang makalaya sa pagdurusa

27 1 0
                                    

Ang makalaya sa pagdurusa

Luha sa aking mata
Sumisimbolong ako'y nasasaktan na.
Sa tuwing ika'y aking nakikita
Lahat ng sakit ay bumabalik pa.

Paano nga ba kita makakalimutan?
Tanga man sa paningin ng iba
Patuloy parin akong umaasa.
Tama pa rin ba?
Tama pa rin ba itong aking nadarama?

Bakit nga ba kasi mahal pa rin kita?
Bakit ba kasi pagmamahal ko sayo'y tila sobra-sobra na?
Minamahal parin kita kahit alam ko-na sa puso mo at mayroon ng iba.

Nilulunod na ako ng aking nadarama,
Paano nga ba maaalis puot at sakit na aking nadarama?
Labis-labis na aking PAGDURUSA
Tulungan mo naman ako kung paano limutin ka.

Sa tuwing ulan ay pumapatak
Mga luha ko'y nakikipagsabayan sa pagbagsak.
Ano ba dapat kong gawin?
Dito sa puso ko'y ikaw pa rin.

Parang isang bula ang lahat,
Tila lahat ay nawala.
Hinihiling na sana mawala na aking nadarama,
Sobra-sobra na ang aking pagdurusa.
Sana'y turuan mo rin ako kung paano limutin ka upang makalaya na-rin ako,
Makalaya sa lahat ng sakit,
Ang makalaya sa lahat ng aking pagdurusa.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon