Sabi ko na—
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampu!Sampu!
Ika-sampo ng agosto ng malaman ko na ako ay ninanais mo. Galing sa bibig mo ang salitang ako'y iyong gusto.Siyam!
Siyam na araw lang ang naging ligawan, dahil sa karupokan binigyan na ng linaw ang lahat. Sinagot lang sa nakalipas na ilang araw, kahit walang kasiguraduhan.Walo!
Walong buwan naging tayo at naging masaya naman ako.Pito!
Pitong beses tayo nakapagdate sa monthsary natin, kulang ng isa dahil naging malabo ka na.Anim!
Anim na beses lang ako nakapunta sa bahay n'yo dahil laging sa bahay namin ang tagpuan natin. Masaya naman kasi alam ko na ika'y marespeto.Lima!
Ika lima ng pebrero nakita kong bumili ka ng sapatos at relo. Pinabalot mo pa ito, nagtaka ako kung para kanino. Sa pagkakaalam ko wala namang malapit na magbirthday sa tropa mo.Apat!
Apat na beses akong nagbulag-bulagan, ayoko paniwalaan ang aking nararamdaman.Tatlo!
Ikatlong beses na ng simula kitang sundan, nakita na lang kitang may kayakapan. Akala ko tropa, akala ko lang pala.Dalawa!
Dalawang gabi ako umiiyak bago kita kinausap. Nalaman ko nga na hindi lang ako, dalawa kami. Ako babae, siya lalaki.Isa!
Isang beses ko sinabi na itigil na natin ang lahat, ngunit agaran mo akong tinalikuran. Sa pagtalikod mo sa akin, siya ang pinili mo, pinili mo ang lalaki mo. Nagmahal ako sa lalaking, lalaki rin pala ang gusto.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...