Naiwan

10 1 0
                                    

Naiwan
-Pantoum Poetry

Nag-iisa't naiwan,
Nagdadalamhati't walang may alam,
Nag-iisang nakatulala sa kawalan,
Puno ng agam-agam.

Nagdadalamhati't walang may alam,
Hanggang ngayo'y naghahanap ng kasagutan,
Mga sandali na kasama ka't tila isang hiram,
Babawiin at ako'y mag-isang maiiwan.

Hanggang ngayo'y naghahanap ng kasagutan,
Walang sagot kahit sa isang tulad kong maalam,
Nais ko lamang ngayon na sa aking pag-iyak ay magtahan,
Bakas sa mga mata ko ang lungkot na kay lamlam.

Walang sagot kahit sa katulad kong maalam,
Pagkat ako'y nagbubulag-bulagan,
Hindi ka na babalik pagkat binawi na ang buhay mong hiram,
At ako'y tuluyan mo na nga talagang iniwan.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon