Kuta-kutang ka na

14 1 0
                                    

Kutang-kuta ka na

Ako ay magtitiis na lamang
Kung hindi ako ang iyong mahal
Ako'y maghahanap na lamang
Nang taong totoo akong mahal.

Akala mo kung sino kang gwapo—
Maghahanap na lang ako ng mas pangit pa sayo
Ang kapal naman ng mukha mo
Ano naman ang mapapala ko sayo?

Kung magmalaki ka!
Akala mo kung sino ka—
Akala mo perpekto
Mukha namang gago—

Puro pa-g'wapo
Tambay lang naman sa kanto
Kung anu-ano ang ayos sa litrato
Magmukha lang tao.

Nagsisisi ako na minahal kita
Akala ko totoo ka
Yun pala sira ulo ka
Sana hindi na ikaw simula pa noong una.

Ngayon ayoko na talaga
Kutang-kuta ka na
Ayoko na
Nakakapagod ka!

Akala ko nagpapakatotoo ka sa harap ko
Tinatarantado mo pala ako
Sa tuwing nakatalikod ako
Anong klase kang tao?

Kahit mahal kita
Ayoko na
Tapos na
Tinatapos ko na.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon