Lungkot
Sa aking paglisan–
Maging ako man ay nasaktan.Kahit anong pilit higpitan
Ako'y iyo pa ring– binitawan.Ako man ay nasasaktan
Ngunit aking itutuloy ang aking paglisan.Madami man maiwan
Sana– ako'y huwag man lamang makalimutan.Nang ako'y iyong lisanin–
Sabi mo ikaw ay aking hintayin,
Ngunit bakit sa iyong pagbalik
Iba na ang iyong tinatangkilik.Ika'y aking hinintay
Pagkat akala ko'y pag-ibig mo ay tunay
Ngunit ako'y nakamali
Pagkat ika'y hindi nakapagpigil kaya't naglandi.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...