AKING DAHILAN
Iniwan kita, ng dahil sa sinabi ko na hindi na kita mahal. Sobra ang aking pagpipigil, upang hindi kita lapitan. Halos mawalan ako ng lakas, nang makita kitang umiiyak. Sa pagtalikod mo sa akin at sa paghakbang mo papalayo, parang hindi ko kaya. Huwag kang liligon ang tangi kong nasa isip upang hindi talaga kita mayakap. Tanging tahimik na pagluha lang ang aking nagawa, hindi ko kaya na masaktan ka ng masaktan ng dahil sa akin. Sa pagpasok ko sa sasakyan ko ang siyang paglabas ng mga hikbing kanina ko pa pinipigilan.
Nasasaktan ako, saksi ang mga magulang ko. Umiiyak sa tuwing nag-iisa, nagmumukha na akong bakla. Naninikip ang dibdib na lalong nagpapasama sa aking kalagayan. Sa tuwing magigising sa umaga tila wala ng buhay. Ayoko na lumaban, pagod na pagod na ako.
Sa ating paghihiwalay, landas natin ay nag-iba. Alam ko na nasaktan kita pero ito ang alam kong paraan para magsimula ka na. Magsimula ka ng kalimutan ako at maging masaya muli. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko, ngunit awang-awa na ako sa mga magulang ko. Pilit silang lumalaban para sa akin. May parte sa puso ko na nais pang mabuhay para lang nasilayan ko pa rin ang mga ngiti mo kahit darating ang dahilan na dahil sa iba na. Ikaw lang ang bukod tangi kong mahal, ikaw at ikaw lang.
Makalipas ang ilang buwan, lalo pang lumalala. Lumabas ako sa hospital, tila hindi halata na ako'y may pinagdadaanan na karamdaman. Sinamahan ako ng isa sa aking pinsan, nakahawak siya aking mga braso upang ako'y alalayan. Nang landas natin ay nagkitang muli. Pansin ko na ayos ka na nga, mahal. Bumalik lahat-lahat ng alaala, mula ng unanm tayong magkita hanggang sa pinili kong saktan ka. Tuluyan na kitang nilagpasan, halos hindi na ako makahinga ng maayos. Tumulo ang aking mga luha, pansin ko sa mga mata ng pinsan ko ang awa. Ito na, mukhang ito na nga. Ito na ata talaga ang katapusan ng aking buhay. Bago sa pagpikit ng aking mata, tila nakita ko na nga ang liwanag. Paalam na, mahal. Pasensiya ka na kung ika'y aking sinaktan, dahil sa karamdaman ko ayaw kong makita mo akong nahihirapan. Mahal na mahal kita, kahit ngayon na papunta na ako sa kabilang buhay.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...