Sikreto

19 1 0
                                    

Sikreto

sa isang kwartong madilim
ika'y tila isang lihim
tanging makikita'y dilim.

puno ng sigaw
sa madaling araw
sa amin ay pumupukaw.

ako'y naaawa
napupuno ka ng pasa
sa pawis ay lagi kang basa.

halos puno ng sugat
dahil sa pagkapayat
halos makita na ang kanyang ugat.

sa bawat sigaw
marami ang nabubulahaw
mga kapitbahay ay nangbubulyaw.

luha ay humahalo sa pawis
mga balita ay parang may bagwis
at kanyang puso ay puno ng pinagpis.

saksi ako sa lahat ng paghihirap
sa sakit na kanyang nalasap
ang sarili ay hindi na mahanap.

ngayon alam ko na
bakit humantong kang ganyan na
dahil sa sa sakit ng pagkawala nila.

sa dami ng iyong anak
halos lahat napahamak

kahit sa higpit ng iyong hawak.

sinisi ang sarili
nawala sa sarili
tuluyang nawalan ng kahalili.

tuluyang naging mag-isa
nawalan na ng pag-asa
nawalan na nga ng kasama.

ngayon ay tulala
parang natutumaw na kandila
naghihintay na lang mawala.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon