Tubig na walang buhay
Sa isang kanal na tila ang tubig ay walang buhay,
Simoy ng hangin ay tila sobrang sangsang.
Mga basura ay nagkalat lamang
Lata, plastic, mga bakal na may kalawang, at kakanin na tila pati baboy ay aayawan na.
Sobra ng naghalo-halo ang mga amoy at tila hindi na kakayaning singhutin pa.Ang dating kay linis na tubig
Ngayon ay sobrang dumi na.
Mga lata at grasa ang tila makikita
Sa dating tubig na may ganda at sigla.Bakit natin hinahayaan malinis na tubig ay mapuno ng lumulutang na mga basura.
Mas lalo pang dumumi dahil mga basura ay hindi man lang magawang alisin.Bakit kahit tubig ay madumi na tila ay kumikinanang parin sa paningin ng iba kaya't hindi nila magawang linisin pa.
Paano nalang ang mga nabubuhay sa tubig? Pati sila ay nadadamay at pumapasan ng problema dahil sa taong walang pagmamalasakit sa kapaligiran.Paano natin pahahalagahan ang mga malalaking bagay kung sa maliit na bagay ay hindi natin maipakita ating pagpapahalaga.
Kamusta na kaya ang ating kapaligiran sa mga taong dadaan pa kung ang mga tao ay nawawalan na ng respeto sa ating kalikasan.
May pag asa pa kayang tatanawin sa kabila ng lahat?
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...