My teacher, My Hero

53 1 0
                                    

Collaboration w/: JellyAce016

"My teachers my hero"

Teacher na laging nandyan
Sa iyong tabi kapag ikaw ay nangngangailangan.
Teacher na turing saiyo ay isang kaibigan.
Teacher na mabait pero kapag seryoso na ang pinag uusapan kailangan din na maging seryoso din sa usapan.
Teacher na lagi kang gagabayan sa iyong pag aaral.

Maraming umiidolo
sa tulad naming mga guro
Pagkat kami raw ang kanilang
Superhero
Lalo na sa pagdating ng pagtuturo.

Being a teacher is difficult when you teach truthfully.

Worth it lahat dahil natuturuan namin sila,
Marami ding bagay ang nalalaman namin pagdating sa kanila.
Nakakatuwang isipin na hindi lang bata ang may natutunan pagkat kaming guro ay may natututunan ding maraming bagay.

Sa bawat Araw na lumilipas kailangan maging malakas
aktibo para sa mga estudyanteng nangangarap hanggang wakas.

Ang isang guro ay isa ring manunulat,
Hindi lang sa pagsusulat sa pisara ng paulit- ulit kundi ang pagtatanim ng mga kaalaman sa isipan ng mga kabataan.
Maturuan ang mga estudyante ng mabuti
Kaya't trabaho'y pinagbubuti.

Hindi Biro ang pagiging guro,
Ang pagiging guro ay hindi lamang natatapos sa pagtuturo,
Our work is the works of all professions
You can be a police officer to maintain peace and order, nurse, janitor, baby sitter and last is being the Second mother of the students.

Pangalawang magulang,
Pangalawang magulang daw natin sa paaralan.
Gumagabay,
Gumagabay din sa atin upang tayo ay  magtagumpay.
Inspirasyon ng karamihan
Tinitingala ng bawat sino man dahil sa angking pagpapasensiya sa mga bata sa sobra sa kakulitan.
Pilit tinuturan mga batang walang pakialam, mga Bata na sobrang kulit, mga Bata na dapat na inaaruga upang mas maging mahusay pa.
Nakikihalubilo sa mga bata tuwing may okasyon sa paaralan, laging nakagabay sa tuwing kailangan natin ng karamay.
Sila ay laging nandyan para ika'y gabayan, tumutulong upang marami kang malaman sa mga bagay-bagay.
Sila ay Isa din sa mga magulang natin na hanggad lang ay ang ating ikararanggal at kabutihan.
Proud ako bilang isang guro at sa lahat ng guro sa buong Mundo.
Nagsasakripisyo magkaroon lang ng laman utak nating kinakalawang dahil sa kung anu anong mga bagay na pinagtutuunan natin ng pansin na hindi naman konektado sa ating pag aaral.
Inaayos ating mga pagkakamali,
Nagbibigay opinyon sa bawat tanong na ating maisipan.
Lagi nating tandaan pasalamatan ang ating mga guro na isa Sa gumagabay para tayo'y magtagumpay.

Ating pasiyahan mga guro na laging sa atin ay gumagabay.
Isa din sila satin na sumusubaybay.
Nagsisilbing magulang na nagbabantay.
Nawa'y kami ay huwag na huwag ninyong sukuan at patuloy na igalang.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon