Munting Pamana Ni Lolo

20 1 0
                                    

MUNTING PAMANA NI LOLO

Sa aking munting sulat
Aking isisiwalat
Aking iiiwan
Sana'y inyong pangalagaan.

Hiling ko'y inyong pangalagaan
Pamana ko'y ingatan
Huwag na huwag pabayaan
Pamana kong iiiwan.

Ako'y nagpapasalamat
Tayo'y tanyag na alamat
Mga sinasabi niya'y ipagkibit-balikat
Atensyon natin hindi sila karapat-dapat.

Sarili nyo'y ingatan
Estado'y pangalagaan
Tayo'y isa sa hinahangaan
Lagi nyong pakatandaan.

Magandang lahi
Ang tangi kong pamana
Ipagkaloob niyo sa iba
Sa taong magiging bagong parte ng ating pamilya.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon