Ating kwento
Minahal kita ng tapat
Ibinigay ko rin ang lahat
Ngunit ako'y hindi parin naging sapat.Mas pinili mong magloko
Kaysa pahalagahan ako
Lahat ng pangako mo naglaho nalang at napako.Hindi mo pinahalagahan
Mga oras na sayo aking inilaan
Ngayon ay wala na, alaala nalang ang naiwan.Pinipilit kong ika'y kalimutan
Pagkat dulot lang ng mga alaala natin ay kalungkutan,
Ngunit puso at isip ko rin ay nahihirapan.Darating ang araw ikaw rin ay akin ng makakalimutan.
Mga alaala natin ay akin nalang na tatawanan,
Sapagkat isasara ko na ang ating kwento na nakatala sa aking talaarawan.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...